Connect with us

Entertainment

Sila ang mga Celebrity Daddies na Sobrang Minahal at Itinuring na Tunay na Anak ang kanilang mga Adopted Children

Bilang selebrasyon ng nagdaang Father’s Day, maraming mga anak ang nagbigay ng mensahe sa kanilang mga tatay habang ang ilan naman ay nagbigay ng mga regalo bilang pasasalamat sa kanilang ibinibigay na pagmamahal. Kasama rin sa mga nagdiwang ay ang mga celebrity dads na ito at ang kanilang mga adopted na anak.

Jimmy Alapag

Isa na rito si Jimmy Alapag. Matatandaang inampon niya at ng kaniyang asawang si LJ Moreno ang kanilang anak na si Ian Maximus na ngayon ay sampung taong gulang na. Nakilala nila si Ian Maximus sa Grace to be Born shelter sa Pasig City. Ngayon, masaya at tahimik silang naninirahan sa US.

Raymart Santiago

Alam rin ng ilang tao ang pag-ampon ng dating mag-asawa na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa kanilang anak na si Sabina. Bagamat hiwalay na sila ng kaniyang asawa, hindi pa rin nakakalimutan ni Raymart ang kaniyang pagiging tatay sa kaniyang mga anak. Makikita nga ito sa ilang litrato ng kanilang bakasyon sa Japan. Mapapansin din kung gaano ipinagmamalaki ni Raymart ang kaniyang anak lalo na sa mga napaka-sweet na mensahe nito sa Instagram.

Oyo Sotto

Hindi rin maiwasan na magkaroon ng iba’t ibang usap-usapan tungkol sa mga anak ng mga sikat na personalidad. Dahil dito, talagang kahanga-hanga ang mga tatay na lakas-loob na pinoprotektahan ang kanilang mga anak. Isa na rito si Oyo Sotto nang nilinaw niya ang kanilang pag-ampon sa kanilang anak na si Kiel.

Chito Miranda

Gaya ni Oyo, proud din na ibinahagi ni Chito Miranda ang proseso ng kanilang pag-ampon sa anak nilang si Pia.

Fernando Poe Jr.

Kilalang-kilala rin na isang adopted child si Senator Grace Poe nina Fernando Poe Jr. at Susan Roces. Ikinuwento rin ng senador kung paano siya protektahan ng kaniyang tatay noong siya ay bata pa.

Ryan Agoncillo

Kabilang din sa mga tatay na mayroong adopted children ay si Ryan Agoncillo. Noon pa man ay hindi na sekreto ang kanilang pag-ampon sa kanilang panganay na anak na si Yohan.

Kiko Pangilinan

Alam rin ng publiko ang pagiging isang mabuting tatay ni Kiko Pangilinan sa kanilang bunsong anak at unico hijo na si Miguel. Noong 2012, ipinakilala nila sa publiko si Miguel bilang kanilang adopted child.

Christopher De Leon

Kilala rin si Christopher De Leon bilang adoptive father nina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth. Dahil sa pantay na pagmamahal na ibinibigay ng mga tatay sa kanilang biological at adopted children, hindi na nakapagtataka na napapamahal na rin ang mga anak na ito sa kanilang tatay gaya ng mga anak ni John Cabahug.

Philmar Alipayo

Bukod sa mga ito, mapapansin din ang respeto na natatanggap ni Philmar Alipayo mula sa panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Talaga namang kahanga-hanga ang mga tatay na ito. Bagamat hindi nila kadugo ang mga batang kanilang inampon, itinuturing pa rin nila ang mga ito bilang isang tunay na anak.

error: Content is protected !!