Connect with us

Entertainment

Sila ang mga Celebrity Couples sa Showbiz na Nagkahiwalay Ngunit Nagkabalikan Matapos Mabigyan ng Second Chance

Sabi nga nila, “love is sweeter, the second time around” at tila nga ito’y may katotohanan dahil marami nang celebrity couples sa industriya ng showbiz ang nagpatunay na talagang napakasarap magmahal kapag nabigyan ng pangalawang pagkakataon. Sila nga ang mga celebrity couples na nagkahiwalay ngunit nagkabalikan matapos mabigyan ng pangalawang pagkakataong maayos ang kanilang relasyon.

Napakasarap naman talagang magmahal kapag nabigyan ng second chance, dahil sa pagkakataong ito, ay natutunan na ang mga pagkakamali, at ito rin ang oras para mas lalong ipadama ang tamis at init ng pagmamahal sa taong nilalaman ng puso. Ating kilalanin ang mga celebrity couples sa showbiz na nagkahiwalay matapos mabigyan ng second chance.

Elisse Joson and McCoy de Leon

Credits: Google | Image

Ang magkasintahang sina Elisse Joson at McCoy de Leon ay nagdiwang ng kanilang anibersaryo noong nakaraang buwan ng Hulyo. At tila nga talagang going strong ang kanilang relasyon ngayon at makikita sa kanilang social media accounts ang kanilang matamis na pag-iibigan.

Unang nagkakilala sina Ellise at McCoy sa reality talent show na Pinoy Big Brother bilang housemates sa Bahay ni Kuya noong 2016. Hindi man nga diretsahang inamin ng dalawa ang kanilang relasyon, ay sapat nang makita ang kanilang nag-uumapaw na kasweetan sa isa’t isa. Hanggang noong bago matapos ang taong 2018 ay dumaan sa matinding pagsubok ang kanilang relasyon, na kanilang kinumpirma pagsapit ng Enero 2019 ang ipromote nila ang kanilang movie na Sakaling Maging Tayo.

Tila naman hindi rito nagtatapos ang matamis na pag-iibigan ng dalawa, dahil sa pagsapit ng taong 2021, ay inamin ni McCoy sa isang interview na muli silang nagkabalikan ni Ellise noong 2020 bago pa man sumapit ang pandemya.

Melai Cantiveros and Jason Francisco

Credits: Google | Image

Taong 2009 nang magkamabutihan ang celebrity couple na sina Melai Cantiveros at Jason Franciso nang pumasok sila sa Bahay ni Kuya bilang housemates. Paglabas ng Bahay ni Kuya, ay nauwi sa pag-iisang dibdib ang kanilang pag-iibigan noong December 2013 na naganap sa General Santos City sa simbahan ng Holy Cross Parish. Hindi nagtagal ay biniyayaan ang kanilang pagsasama ng isang baby girl. Ito nga ang panganay nilang anak na si Amelia Lucille.

Ngunit, pagsapit ng taong 2016, ay ginulat ng mag-asawa ang publiko matapos isapubliko ni Jason sa pamamagitan ng isang post na hiwalay na sila ni Melai. Hindi naman nagtagal ang paghihiwalay ng mag-asawa dahil sa kaparehong taon, ay inanunsiyo ni Melai na nagkaayos na sila ni Jason. At matapos nga nito ay muling pinagkalooban ng isang baby ang kanilang pagsasama na isinilang ni Melia noong 2017. Ito nga ang kanilang pangalawang anak na pinangalanang Stela Rosalind.

Jennyln Mercado and Dennis Trillo

Credits: Google | Image

Nitong nakaraang January 2021 lamang nang ipagdiwang ng celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kanilang ika-7th anniversary bilang magkasintahan. Ngunit, bago sila sumapit sa pitong taong pagsasama ay nagkahiwalay muna sila at nabigyan ng second chance noong 2015. Taong 2010 nang unang magkabutihan ang dalawa, ngunit paglipas ng isang taon ay nagbreak sila. Sa muli nilang pagsasama sa isang proyekto matapos ang apat na taon, ay dito nga sila muling nagkamabutihan at nabigyan ng pagkakataong maayos ang kanilang relasyon.

Meryll Soriano and Joem Bascon

Credits: Google | Image

Ang ngayo’y may isa nang anak na sina Meryll Soriano at Joem Bascon ay unang naging magkarelasyon matapos magkasama sa teleseryeng I Love Betty La Fea. Ngunit, dahil nagpasya si Meryll na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa London, ay ito narin ang dahilan ng pakikipaghiwalay niya kay Joem.

Nabigyan naman ng pagkakataong ituloy ng dalawa ang kanilang naudlot na pagmamahalan noong 2019 matapos magkatrabaho sa teleseryeng Starla at pelikulang Culion. At sa pagsalubong nang taong 2020, ay umugong na nga ang balitang nagkabalikan na ang dalawa. Sa pagbungad ng taong 2021, ay nakitang kasama si Joem sa New Year’s Eve celebration ng pamilya ng aktres, at dito na nga kinumpirma ni Meryll na nagkabalikan na sila ni Joem at may anak na rin sila.

error: Content is protected !!