Connect with us

Uncategorized

Sila ang mga Celebrity Couples na Umaming Nagkaroon muna ng Prenuptial Agreement Bago sila Ikasal sa Isat-isa

Kadalasan pagdating sa usapang puso, at paksang pag-aasawa ay hindi na natin naiisip kung ano ang kahihinatnan sa huli. Dahil nga, ang alam ng marami sa atin ay ang maging masaya sa pag-ibig kung kaya’t hindi na natin naiisip ang mga materyal na bagay na kailangang pag-usapan ng mag-asawa sa punto ng paghihiwalay. Katulad na lamang nga ng mga properties, kung kanino ito mapupunta kapag naghiwalay ang mag-asawa.

Karamihang mag-asawa, ay walang prenuptial agreement ngunit may ilan na namang pinag-uusapan ito bago ang kanilang kasal. Mahalaga naman talaga na magkaroon ng prenup agreement lalo na kung maraming properties, na talagang pinaghirapan. Kaya naman nararapat lamang na mapunta sa taong nagsumikap ang bagay na ito kapag hindi naging matagumpay ang pagsasama ng mag-asawa.

“According to findlaw.com, pre-nuptial agreement is described as a common legal step taken before marriage. A prenup establishes the property and financial rights of each spouse in the event of a divorce, separation or death.”

Kilalanin ang mga mag-asawa sa industriya ng showbiz na umaming may prenuptial agreement bago sila ikasal.

1. Heart Evangelista at Chiz Escudero

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na marami ang naipundar dahil sa kanyang pagsisikap ng Kapuso actress na si Heart Evangelista. Kaya naman, ayon sa ilang ulat ng showbiz websites, bago pa man sila ikasal ng kanyang asawang si Chiz Escudero noong February 2015 sa Balesin Island Club sa Quezon, ay nagkaroon sila ng prenup agreement. Sa katunayan nga nito, ang bagong bahay ni Heart na pinaghiran niya ng tatlong taon mula sa kanyang savings ay nakapangalan sa kanya.

2. AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan

Nagkaroon ng kontrobersya noong una ang relasyon nina AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan. Bukod kasi sa malaking agad ng kanilang edad, ay nais isyu rin ang pera at kayamanan ni Ai Ai na habol lang umano ni Gerald. Kaya naman, bago maganap ang kanilang bonggang kasal noong Decemner 2017, ay nagkaroon sila ng prenup agreement na inamin ni AiAi sa isang panayam noong September 2017. Ang ideyang ito ay mula mismo kay Gerald para patunayan sa publiko na hindi pera ang habol niya kay AiAi kundi tunay at wagas ang kanyang pagmamahal sa komedyante.

3. AiAi Delas Alas at Jed Salang

Kinumpirma ng Queen of All Media Kris Aquino sa kanyang morning TV show na Kris TV, na ang kaibigan niyang si AiAi at ex-husband nitong si Jed Salang, ay nagkaroon ng prenup agreement bago maganap ang kanilang secret wedding noong April 2013 sa Las Vegas.

4. Vicki Belo at Hayden Kho

Sino nga ba ang makakalimot sa bongga at napakagarbong kasalan nina Vicki Belo at Hayden Kho noong September 2017 na naganap sa Paris. Ngunit, bago sila ikasal ay nagkaroon sila ng prenup agreement. Pagbubunyag nga ni Vicki sa panayam ng 24 oras, ay mismong si Hayden ang nakaisip na magkaroon sila ng prenup agreement para alisin sa isip ng publiko, na pera lang ang habol niya sa kanyang asawa. Isa ring isyu ang malaking agwat ng kanilang edad, kaya maraming negatibong komento ang ibinabato kay Hayden.

5. Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan

Noong nakaraang April 2019, ay ipinagdiwang ng mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan ang kanilang 23rd wedding anniversay. Ngunit, sa kabila ng matatag at matibay nilang pagsasama ay nagkaroon pala sila ng prenuptial agreement. Noong 2017 nga sa panayam ni Boy Abunda kay Sharon, ay inamin ng Megastar ay hindi siya matulungan ng kanyang asawa sa milyon-milyon niyang utang dahil sa pinirmahan nilang kasunduan.

error: Content is protected !!