Connect with us

Entertainment

Sila Ang Mga Celebrity Couples Na Pinag-usapan Ng Publiko At Naging Kontrobersyal Sa Kanilang Pag-amin Sa Kanilang Relasyon Noong 2021

Ang taong 2021 nga ay tila taon ng kabiguan para sa ilang celebrity couples na nagkahiwalay. Ngunit, kung ang ilan nga ay nagwakas ang pag-iibigan, ay may mga celebrity couples naman na bagong simula ng pag-iibigan ang hatid ng taong 2021. Gayunpaman, sa kanilang pag-amin sa kanilang relasyon ay talagang pinag-usapan sila ng publiko at lumikha ng kontrobersya.

Ating kilalanin ang mga celebrity couples sa showbiz na naging kontrobersyal ang pag-amin ng kanilang relasyon.

Meryll Soriano at Joem Bascon

Photo credits to the owner

Sa pagsalubong ng taong 2021, ay ginulat ng celebrity couple na sina Meryll Soriano at Joem Bascon ang publiko sa kanilang rebelasyon na sila’y nagkabalikan na at mayroon na silang anak. Nalantad ito sa publiko nang makita si Joem na kasama ng pamilya ni Meryll sa isang okasyon. Nauna silang naging magkasintahan noong 2008 ngunit nagkahiwalay at sa pagsasama sa proyekto ay muling nanumbalik ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa. Pinag-usapan naman ng publiko ang kanilang relasyon dahil sa paghihiwalay ni Joem at kanyang long-time girlfriend na si Crisha Uy, dahil hinihinalang si Meryll umano ang dahilan nito.

Janella Salvador at Markus Paterson

Photo credits to the owner

Pinag-usapan rin ang relasyon nina Janella Salvador at Markus Paterson. Dalawang taon na ang kanilang relasyon ngunit noong nakaraang taon lang nila isinapubliko. Pinag-usapan ng marami ang balitang pagbubuntis ni Janella ngunit mariin itong itinanggi ng aktres. Hanggang sa napabalita ang paglipad ni Janella sa United Kingdom kasama nag kanyang ina ung saan naroon ang kanyang nobyo. Sa pagbabalik nila sa Pilipinas ay dito nga nalantad na may anak na sila at matapang rin nilang hinarap ang mga bashers.

Sophie Albert at Vin Abrenica

Photo credits to the owner

Ginulat ang publiko ng celebrity couples na sina Sophie Albert at Vin Abrenica sa pag-amin sa kanilang relasyon. Noong 2016 kasi nang aminin ni Sophie ang paghihiwalay nila ni Vin. Ngunit noong nakaraang taon ay makikita sa social media ang mga sweet photos ng dalawa na nagpapatunay na sila nga ay nagkabalikan. Matapos naman ianunsyo ang kanilang engagement ay nasundan ito ng pag-anunsiyo ni Sophie na ipinagbubuntis niya ang panganay na anak nila ni Vin.

Angelica Panganiban at Gregg Homan

Photo credits to the owner

Ang taong 2021 naman ay tila para sa makulay na love life ni Angelica Panganiban. Naging usap-usapan ang relasyon ni Angelica sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan, dahil noong una’y ayaw ipakilala ng aktres sa publiko ang katauhan nito. Ngunit, dahil nga mahabang panahon na siyang nababalot ng kalungkutan ay marami ang naghahangad na makita siyang masaya kung kaya’t nagpasya na siyang tuluyang isapubliko ang kanilang relasyon.

Catrion Gray at Sam Milby

Photo credits to the owner

Sa mismong araw ng pagdiriwang ng kaarawan ni Sam Milby, isinapubliko ang kanyang relasyon kay Catriona Gray. Ngunit, ang kanilang relasyon ay pinag-usapan dahil sa paghihiwalay ni Catriona at ng kanyang ex-boyfriend na si Clint Bondad.

Ellen Adarna at Derek Ramsay

Photo credits to the owner

Ikinagulat ng publiko ang paghihiwalay ng aktor na si Derek Ramsay at aktres na si Andrea Torres. At ito nga ay matapos malantad sa publiko ang relasyon ni Derek sa aktres na si Ellen Adarna. Ilang buwan pa lamang nga matapos ang kanilang pag-amin sa kanilang relasyon, ay agad silang naengaged sa isa’t isa. Bago naman matapos ang taon ay nauwi sa kasalan ang relasyon nina Ellen at Derek.

Maris Racal at Rico Blanco

Photo credits to the owner

Hindi naman naging hadlang ang agwat ng kanilang edad sa kanilang pagmamahalan. At pinatunayan nga nina Maris Racal at Rico Blanco ang tamis ng kanilang tunay at wagas na pag-ibig sa isa’t isa sa kabila ng mga panghuhusga ng ilan sa kanilang relasyon.

Barbie Imperial at Diego Loyzaga

Photo credits to the owner

Pagbungad ng bagong taon nga ay isang pasabog ang hatid ng mga artistang sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga nang aminin nila ang kanilang relasyon sa publiko. Hindi inasahan ni Barbie na ang kanilang pagkakaibigan ni Diego ay mauuwi sa isang matamis na pag-iibigan.

Julia Barretto at Gerald Anderson

Photo credits to the owner

Nanguna sina Julia Barreto at Gerald Anderson sa mga relasyon sa showbiz na talagang pinag-usapan. Kahit kasi marami na ang kumakalat na espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon ay mariin parin nilang itinatanggi ang kanilang relasyon. Ngunit, sa kanilang pag-amin ay dinagsa sila ng mga basher. Itinanggi rin ng dalawa na si Julia ang dahilan ng paghihiwalay nina Gerald at Bea Alonzo. Sa tuluyang paglantad nila sa publiko ng kanilang relasyon, ay hindi parin nga sila tinantanan ng mga bashers.

error: Content is protected !!