Connect with us

Entertainment

Sila ang mga Babaeng Nagpatibok sa Puso at Naging Bahagi ng Buhay ng Sikat na Aktor na si John Lloyd Cruz

Sa kanyang looks na talaga namang napakalakas ng appeal, ay walang duda na habulin ng mga kababaihan ang sikat na aktor na si John Lloyd Cruz. Sa kanyang mga nakakatunaw na tingin nga, ay maraming puso ng babae ang napatibok ni Lloydie. Kaya naman, ang kanyang mga tagahanga ay malaki rin ang interes sa kung sinong mga babae ang nakabihag ng kanyang puso.

Naging isang bukas na libro na nga ang buhay ni Lloydie sa publiko lalo na pagdating sa kanyang buhay pag-ibig, kung saan ay hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko na marami siyang naging karelasyon.

Ang huling babaeng nakarelasyon ni John Lloyd ay ang seksi aktres na si Ellen Adarna. Ngunit, bago pa man nga dumating sa buhay niya si Ellen, ay marami pang babae ang naging bahagi ng buhay ng aktor at karamihan nga sa kanila ay mula rin sa mundo ng showbiz.

Kaye Abad

Masasabi nga na sa pagbibinata ni Lloydie sa edad na 15 taong gulay, ay agad niyang napatibok ang puso ng 14 taong gulang na aktres na si Kaye Abad. Si Kaye nga ang kauna-unahang aktres na nakabihag ng puso ng aktor. Ang kanilang relasyon naman ay nagtagal lamang ng 9 na buwan.

Sa ngayon, ay isa nang masayang maybahay at ina si Kaye. Ang kanyang napangasawa ay isang businessman at dating PBB housemate na si Paul Jake Castillo. At ang kanilang pagsasama ay mas lalong magiging makulay dahil ang panganay nilang anak na si Joaquin, ay malapit nang maging isang kuya. Ito nga ay dahil ipinagbubuntis ni Kaye ang 2nd baby nila ni Paul.

Krista Ranillo

Isa ring panandaliang relasyon ang naganap sa pagitan ng dating aktres na si Krista Ranillo at Lloydie. Ayon nga kay John Lloyd, ay nagtagal ang kanilang relasyon ng 7 months, ngunit taliwas naman ito sa bilang ng dating aktres na 3 months lamang. Nagkahiwalay naman silang dalawa, dahil sa pag-alis ni Krista sa bansa upang magtungo sa US. Ngunit, ilang buwan lamang nga ang nakalipas, ay may iba nang karelasyon si John Lloyd, at ito si Ciara Sotto.

Masaya na ngayon si Krista sa kanyang buhay kung saan napangasawa niya ang businessman na si Nino Jefferson Lim noong 2010. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng limang mga anak.

Ciara Sotto

Para naman kay Lloydie, ay ang aktres na si Ciara Sotto ang itinuturing niyang kauna-unahang seryosong relasyon. Naging usapan rin ang kanilang relasyon noon dahil sa usapang muntik ng paslangin ni Ciara ang sarili matapos umanong makipagbreak si Lloydie. Ang kanilang on and off na relasyon ay nagtagal ng dalawang taon. At tuluyang nagwakas noong taong 2005.

Heart Evangelista

Naunang nakarelasyon ni Heart si Lloydie bago dumating sa buhay niya ang aktor na si Jericho Rosales. Ngunit, hindi naman nagtagal ang kanilang relasyon dahil pareho silang hindi handa sa commitment.

Masaya na ngayon si Heart sa piling ng kanyang asawang si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero.

Liz Uy


Nagtagal naman ang relasyon ni John Lloyd at ni Liz Uy na tatlong taon at kalahati. At ito nga ang pinakamatagal na nakarelasyon ni Lloydie kung saan itinuturing niyang “great love of his life”.

May dalawang anak na ngayon si Liz Uy sa kanyang partner na si Raymond Racasa.

Sarah Geronimo

Naging malapit sa isa’t isa ang singer-actress na si Sarah Geronimo at John Lloyd, matapos magkasama sa pelikulang “A Very Especial Love” hanggang sa “You Changed my life” kung saan ay inamin ng dalawa na nagkaroon sila ng espesyal na pagtingin sa isa’t isa. At noong 2008, ay binigyan pa ng isang napakaganda at mamahaling singsing ni John Lloyd si Sarah ngunit ibinalik ito ng singer sa aktor dahil sa misinterpretation.

Sa kabila nito, ay nanatiling magkaibigan ang dalawa. Happily married naman na ngayon si Sarah kay Matteo Guidicelli. Noong nakaraang buwan ng Pebrero ay masayang ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang 1st wedding anniversary.

Ruffa Gutierrez

Ang namagitan naman kina Ruffa at John Lloyd ay isang secret romance na nagsimula ng March 2009 hangang April 2010. Ngunit, unti-unting lumamig ang kanilang relasyon dahil nadiskubre ni Ruffa ang pagiging alcoholic ni Lloydie. At ito nga ang rason kung bakit sila naghiwalay, idagdag pa ng rito ang pagiging babaero ng aktor.

Shaina Magdayao

Nagsimula naman sa pagkakaibigan ang relasyon nina Shaina at Lloydie. Ngunit, natapos ang kanilang relasyon noong 2012, dahil umano sa iba’t ibang isyu, kabilang na nga rito ang kontrobersyang phone call ni Ruffa na di umanoy nakikipag-flirt parin kay John Lloyd.

Wala namang klarong dahilan na inilabas ang dalawa kung bakit sila nagkahiwalay.

Angelica Panganiban

Oktubre 2012 nang aminin ni Lloydie ang kanilang relasyon ni Angelica. Nagwakas naman ang kanilang relasyon noong taong 2016. Sa isang panayam sa programang Gandang Gabi Vice noong 2015, ay sinabi ni Angelica na marahil ay siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Shaina at Lloydie.

In relationship naman ngayon si Angelica sa kanyang businessman boyfriend na si Gregg Homan.

Bea Alonzo

Si Bea Alonzo ang pinakamatagal na naging ka-love team ni John Lloyd on screen kung saan ay umabot nga ito ng 15 years. At sa loob ng mahabang panahon, ay malaki ang kanilang pasasalamat dahil naging matagumpay ang kanilang tambalan. Bagama’t may mga isyu na lumabas noon na nagkalabuan umano sina Zanjoe Marudo at Bea dahil kay Lloydie, nilinaw naman ng aktor na magkaibigan lang sila ni Bea.

Huling nakarelasyon ni Bea ang aktor na si Gerald Anderson.

Ellen Adarna

Sa pagdating ng aktres na si Ellen Adarna sa buhay ni John Lloyd, ay biglang nagbago ang lahat. Ito nga ang mga panahong mas piniling lisanin ni Lloydie ang showbiz upang mamuhay ng simple at tahamik kasama si Ellen. Ngunit, matapos ang ilang taong relasyon, ay nauwi rin ang kanilang pagsasama sa hiwalayan. Nagbunga naman ng isang supling ang kanilang pagmamahalan, si Elias. Bagama’t hiwalay na, ay nanatili namang responsable at mapagmahal na ama si Lloydie sa kanyang anak.

Si Ellen ay engaged naman na ngayon sa kanyang soon to be husband na aktor na si Derek Ramsay. Sa ngayon rin, ay nagsasama na ang dalawa sa bahay ni Derek.

error: Content is protected !!