Connect with us

Entertainment

Sila ang mga Artista na Pinasok Ang Mundo ng Pulitika

Ang mga kilalang artista sa industriya ng showbiz ay talagang hilig na ang pag-arte sa harap ng camera. Ngunit, dahil nga ang ningning ng kasikatan sa showbiz ay hindi naman panghabang buhay, ang ilan sa kanila ay nagpasya na lisanin ang showbiz upang pasukin naman ang mundo ng pulitika.

Joseph Ejercito Estrada

Credits: Google

Bago pa man maging Pangulo ng Pilipinas noong 1998 si Joseph Ejercito Estrada na kilala rin sa bansag na “Erap” ay nauna muna siyang nakilala bilang isang mahusay na aktor sa industriya ng showbiz. Sa loob nga ng halos tatlong dekada sa showbiz ay nakagawa siya ng mahigit 100 na pelikula na kanyang pinagbidahan.

Ang kasikatan ang naging daan ni Erap para siya’y makapasok sa mundo ng pulitika. Hindi naman siya nabigo dahil sa pagtako niyang Mayor ng San Juan, ay nagwagi siya at naluklok sa pwesto magmula 1969 hanggang 1986. Umupo rin siya bilang Senator noong 1987 hanggang 1992. Naging Vice President rin sa ilalim ni President Fidel V. Ramos mula 1992 hanggang 1998.

Muling tumakbo si Erap sa pagkapresidente noong 2010 presidential election ngunit siya’y natalo ni Senator Benigno Aquino III. Matapos nito ay umupo naman siyang Mayor ng Manila sa loob ng dalawang termino magmula 2013 hanggang 2019. At sa muli niyang pagtakbo noong 2019, ay natalo naman siya ni Isko Moreno.

Jinggoy Estrada

Credits: Google

Ang anak ng dating Panguo na si Joseph Estrada na si Jose Pimentel Ejercito Jr o kilala rin bilang si Jinggoy Estrada ay sumunod rin sa yapak ng kanyang ama hindi lamang sa pag-aartista kundi pati na rin sa mundo ng pulitika.

Dalawang termino ang tinapos ni Jinggoy bilang Senador ng Pilipinas mula taong 2004 hanggang 2016. Bago pa ito, ay umupo rin siyang Vice Mayor ng San Juan noong 1988. At matapos lamang ang isang termino ay umupo na siyang Mayor ng San Juan noong 1992 na inabot ng taong 2001. Pagsapit ng 2013, ay naging acting Senate President of the Philippines naman siya.

Tito Sotto

Credits: Google

Si Vicente “Tito” Castelo Sotto III ay isang TV personality at kilala ring politiko sa bansa na nagsisilbi ngayon bilang Senate President of the Philippines magmula pa noong 2018. Noong 2016 elections naman ay pang apat na termino na niya sa Senado.

Ito nga ay matapos niyang maluklok sa dalawang magkasunod na termimo mula sa taong 1992 hanggang 2004 na na-reelect naman noong 2010. Samantala, bago pa man siya mapabilang sa Senate, ay nauna na siyang maglingkod sa bayan bilang Vice Mayor ng Quezon City mula 1988 hanggang 1992.

Lito Lapid

Credits: Google

Si Manuel “Lito” Mercado Lapid na nakilala sa industriya ng showbiz bilang mahusay na action star sa industriya ng showbiz ay pinasok rin ang mundo ng pulitika. Nagsimula ang political career ni Lito Lapid sa Pampanga kung saan nanungkulan siya bilang vice governor noong 1992 hanggang 1995.

Nasundan naman ito ng kanyang pag-upong governor simula 1995 hanggang 2004. Nakaupo siya sa kanyang pwesto bilang Senador magmula pa noong 2019. Nauna naman siyang naluklok sa pagka-Senador noon pang 2004 hanggang 2016.

Vilma Santos

Credits: Google

Ang tinaguriang “Star for All Seasons” sa industriya ng showbiz na si Vilma Santos ay pinasok rin ang mundo ng pulitika. Siya ngayon ay nagsisilbing House Deputy Speaker mula pa noong 2019, at Representative of Batangas’ 6th district naman simula pa noong 2016.

Nagsimula mamayagpag ang political career ni Vilma noong 1998 kung saan ay nagwagi siyang Mayor ng Lipa City sa probinsya ng Batangas. At siya nga ang “first female mayor” ng Lipa City.

Bong Revilla Jr

Credits: Google

Taong 1995 nang unang sumabak sa pulitika si Ramon “Bong” Revilla Jr kung saan ay nagwagi siyang Vice Governor ng Cavite. Taong 1998 naman nang maluklok siya sa pwesto bilang Governor ng Cavite. Noong 2002 naman ay inappoint siya ni 2002, President Gloria Macapagal Arroyo bilang Chairman of the Videogram Regulatory Board.

Naluklok naman siya sa kanyang pwesto sa Senado noong taong 2004 at tumagal ng dalawang termino hanggang 2016. Sa ngayon, maliban sa pagiging politiko ay balik telebisyon na rin si Bong Revilla bilang isang artista.

Richard Gomez

Credits: Google

Si Richard Frank Icasiano Gomez ay nakaupo ngayong Mayor ng Ormoc City matapos mare-elect noong 2019 elections. Kilala si Richard Gomez sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na aktor na sumikat noong dekada 90. Matapos ang mahabang taong pananatili sa mundo ng showbiz, ay nagpasya siyang pasukin na rin ang mundo ng pulitika.

Noong 2010 ay nadisqualified siya sa Commission on Elections (Comelec) matapos makuwestiyon ang kanyang residency sa Ormoc City. Dahil dito, ang kanyang asawa na si Lucy Torres-Gomez ang pumalit sa kanyang pwesto para tumakbo sa halalan at ito nga ay nanalo. Nagsilbi naman niyang chief of staff ng kanyang asawa nang maluklok ito bilang congresswoman. Tila nga wala sa bokabularyo ni Richard ang sumuko dahil noong 2013 ay muli siyang tumakbo bilang Mayor ng Ormoc City ngunit natalo. Hanggang sa muli niyang pagtakbo noong 2016 ay pinalad nang manalo, at nare-elect nga noong May 2019 elections.

error: Content is protected !!