Sikretong Hardin ni Gretchen Barretto Ipinasilip sa Netizens

Kilala ng marami ang batikang aktres na si Gretchen Barreto sa kanyang likas na pagiging glamorosa, mula sa kanyang magandang pananamit, mamahaling gamit at alahas, at pati na rin ang pagkakaroon ng marangyang mansiyon sa Forbes Park sa Makati City.



Nito ngalang ay ipinasilip niya sa mga netizen ang isa sa mga “favorite spots” niya sa kanyang mansiyon na tinatawag niyang “Secret Garden.” Ipinagmamalaki rin niya sa kanyang social media followers na ang kanyang bakuran ang nagbibigay ng magandang ambiance at relaxing vibe sa kanyang malaking tahanan.

Ayon pa kay Greta, bago niya simulan ang kaniyang araw naging routine na niya itong pasyalan at maging bago siya matulog hindi niya ito nakakalimutan na gawin. Kapag nakikita niya ang kanyang mga tanim nagbibigay ng kakaibang saya at nakakapagpaganda ng kanyang umaga. Sa isang video na inupload niya, sinabi ni Gretchen na, “I go around my house and I have a different world at all the time,”

Marahil ay naging daan sa pagkahilig ni Greta sa mga halamanng kanyang asawang Business Tycoon na si TonyBoy Cojuangco. “Many years ago , i could not understand why my Tony would stop & marvel at the trees & plants & would say how beautiful they are are (I thought plants are for older people) and here i am , so in love with [trees] , plants etc…I am getting older.

“my garden is a never ending story. Its my new play ground…” saad din niya.

Sinimulan ng batikang aktres ang paglalagay ng mga halaman nito lamang taon kung saan gumawa siya ng isang daanan na napapaligiran ng mga iba’t ibang halaman.



Hindi man niya unang hilig ang mga halaman dahil para sa kanya para lamang ito sa may edad na, dahil dati pa naman ay mahilig na ang asawang si Tony, nakikita pa niya ito na tumitigil para lang pagmasdan ang mga halaman at puno na nagagawang iappreciate ang mga ganda nito. At heto na siya ngayon kapareho na ng kanyang asawa na mahilig sa mga kulay berdeng halaman.

Nakaraang Agosto ay ipinasilip niya kanyang 1.1 million follower ang mas pinaganda niyang mga bakuran. Sa isang video niya na mapapanuod sa YouTube, itinuro ng aktres ang daanan patungo sa kaniyang secret garden na sa ngayon daw ay nasa work in progress pa, kung saan maririnig na nasasabi ng aktres “My goodness, ang ganda”

 

View this post on Instagram

 

We all decided to inspect the walkway to my secret garden ( work in progress) @plantsofpablo @gellojamias 😊

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Ilan sa mga ipinagmamalaking mga halaman ni Gretchen, ay ang Calatheas at isang “giant Alocasias”na mula sa Plants of Pablo na nagkakahalaga ng PHP2,000 at makakakuha ng diskwento kapag kunuha ng maramihan. Bukod pa dito mayroon din ang aktres ng “Yucca Trees” na may ‘sword-like leaves’ at may mga bulaklak na kulay puti, at mga Chico trees



Marami na nga ang excited na nagtatanong sa kanya kung kailan matatapos ang kanyang mas pinagandang “Secret Garden.”