Connect with us

Entertainment

Sikat na Vlogger na sina Ranz Kyle at Niana, Sinurpresa at Niregalohan ang Kanilang Driver na Mahigit 10 Taon ng Naninilbihan sa kanilang Pamilya

Sikat na mga youtube vloggers ang magkapatid na sina Ranz Kyle at Niana. Nakilala sila sa social media dahil sa kanilang galing sa pagsasayaw at sa pagvo-vlogg. Nasa ikatlong season na ang kanilang youtube at umani na sila pareho ng nasa mahigit 10 million subscribers. Ang magkapatid na Ranz Kyle at Niana, ay sobrang mapagmahal at mapagbigay sa bawat miyembro ng kanilang pamilya.

Katulad na lamang ng kanilang latest vlogg, ito nga ay ang pagprank nila sa kanilang longtime family driver na si Kuya Jun. Naisipan nilang iprank ang kanilang driver dahil kaarawan nito. Ayon kay Ranz at Niana, matagal na nilang itong driver at hindi lang siya basta naging family driver, naging bodyguard rin siya ni Ranz sa kanyang mga mall shows noon. Halos 10 taon na nitong nagtatrabaho sa kanilang pamilya, kaya naman talagang napamahal na ito sa kanila.

Photo credits: Ranz Kyle | Youtube

Photo credits: Ranz Kyle | Youtube

Kaya naman sa naging kaarawan nito, ay may isang masayang sorpresa ang inihanda ang magkapatid na Ranz at Niana. Upang maging kapani-paniwala ang kanilang prank ay kinuntsaba ng magkapatid ang kanilang buong pamilya. Habang naghahanda ang magkapatid sa kanilang gagawin na prank, ang kanilang pamilya naman ay naghahanda rin ng masayang salo-salo, upang sa pagpasok ni Kuya Jun ay masorpresa ito na mayroong nakahandang isang selebrasyon para sa kanyang kaarawan.

At sinimulan na nga ng magkapatid ang kanilang prank, sa video vlogg makikita na nagalit ang kanilang daddy dahil may gasgas di-umano ang kanilang kotse at baka nasira di-umano ang censor nito kaya ito nagbe-beep.

Nang tanungin si Ranz ng kanyang daddy kung sino ang may gawa nito, ang sabi naman ni Ranz ay hindi raw siya. Sinabi naman ng daddy ni Ranz sa kanilang driver, na hindi naman raw si Ranz ang may gawa at sabay pinagsabihan siya ng daddy ni Ranz na parang naiinis ang dating, na dapat ay inaayos niya ang mga gamit at pinapaayos nga ito sa kanya. Maya-maya pa ay umakyat na lang ang kanilang driver sa kwarto nito para magpahinga.

Photo credits: Ranz Kyle | Youtube

Photo credits: Ranz Kyle | Youtube

Saka ito tinawag ni Ranz na kunwari ay magpapatulong na magpabuhat para ipasok sa loob ang kanyang gaming chair. Sa kanyang pagpasok, bumungad na ang sorpresang naghihintay para sa kanya. Makikita sa video na tila naiiyak ang kanilang driver dahil hindi niya akalain na mayroon palang sorpresang inihanda para sa kanya. Upang mas mapasaya nila Ranz at Niana ang kanilang driver, hinandaan nila ito ng mas masaya pang sorpresa at ito nga ay ang pagdating ng asawa ng kanilang Kuya Jun.

Upang hindi ito maging malungkot na hindi niya kasama ang kanyang pinakamamahal na asawa, labis naman ang naging kasiyahan nito nang mayakap niya ang kanyang asawa.

Photo credits: Ranz Kyle | Youtube

Photo credits: Ranz Kyle | Youtube

Photo credits: Ranz Kyle | Youtube

Kaya naman sobrang natuwa at kinilig ang lahat, ang bawat isa ay may kanya-kanyang mensahe. Masaya naman silang nagsalo-salo sa kaarawan ng kanilang Kuya Jun at sa pagtatapos ng kanilang vlogg ipinakita ng kapatid ang kanilang naging regalo at ito ay isang bagong mamahaling cellphone.

Photo credits: Ranz Kyle | Youtube

Photo credits: Ranz Kyle | Youtube

Mababakas sa mukha ng kanilang driver ang kasiyahan nito na magkaroon ng mamahaling cellphone na tila nabanggit niya na ito ay iphone.

error: Content is protected !!