Connect with us

Entertainment

Sikat na Vlogger na si Zeinab Harake, Sinurpresa ang Kanyang Ina ng Brand New Car sa Pagdiriwang nito ng 54th Birthday

Ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake ay naghatid ng saya at inspirasyon sa kanyang mga tagahanga matapos pasayahin at surpresahin ng isang bagong sasakyan ang kanyang ina sa kaarawan nito.

Napakasarap naman talaga sa pakiramdma ang masilayan ang ngiti sa mukha ng ating mga mahal sa buhay. At dahil nga, mahal na mahal ng sikat na vlogger na si Zeinab ang kanyang ina, ay hinandogan niya ito ng isang surpresa sa pagdiriwang ng ika-54th birthday nito.

Sa latest vlog ni Zeinab na kanyang ibinahagi sa kanyang Youtube channel nito lamang ika-17 ng Abril, ay kanyang ipinasilip ang naganap na surpresa sa kaarawan ng kanyang ina.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Sa unang bahagi ng video ay sinabi ni Zeinab, na ngayon lamang niya naappreciate kung gaano kahirap magdala ng isang sanggol sa sinapupunan, at hanggang sa pagpapalaki nga ay hindi biro ang hirap at sakripisyo ng isang ina. Kaya naman, panahon na para gantihan niya ang kabutihan, pag-aalaga at pagmamahal ng kanyang ina sa kanilang magkakapatid.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Ayon nga kay Zeinab, ay pangarap niya noon na mapatayuan ng bahay ang kanyang ina at ito nga ay nagawa niya noong 18 taong gulang pa lamang siya. At ngayon nga, ay nais niyang regaluhan ang kanyang ina ng sasakyan, dahil naaawa siya rito sa tuwing sumasakay ito ng jeep.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Isang pick up ang naisip bilhin ni Zeinab para sa kanyang ina, dahil mahilig umano itong bumili ng mga kung ano-anu na kailangang ikarga sa sasakyan. Kukuhaan rin ni Zeinab ng sariling driver ang kanyang ina dahil nga hindi ito marunong mag-drive at para na rin may kasama ito sa tuwing aalis.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Makikita naman na talagang pinaghandaang mabuti ni Zeinab ang surpresa kasama ang kanyang mga kapatid at mga kaibigan. Makikita na napakaganda ng pagkaka set-up ng mga balloons. Ang kulay puting Mazda pick up naman ay nakaparada na.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

At ito naman ay nilagyan ng disenyo ng kulay pulang ribbon. Naroon ang buong pamilya at mga kaibigan ni Zeinab na sinalubong at kinantahan ng Birthday song ang kanyang ina.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Dahil dito, ay hindi na nito napigilan ang emosyon at tuluyan ng umiyak. Samantala, nang ibigay naman ni Zeinab sa kanyang ina ang susi ng sasakyan ay nag-atubili ito. Kung saan ay mas inisip ang kapakanan ni Zeinab na malapit na umanong manganak. Ngunit, ayon nga kay Zeinab, ay mas higit itong kailangan ng kanyang ina.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Makikita naman na masayang-masaya ang bawat isa sa surpresang handog ni Zeinab sa kanyang ina. Ang kanyang ina naman ay sinubukan ring sumakay sa bago nitong sasakyan.

Sadyang napakabuti nga ng puso ni Zeinab na kung saan ay talagang mahal na mahal ang kanyang ina. Dahil nga dito, ay mas lalong minahal at hinangaan si Zeinab ng kanyang mga tagahanga.

error: Content is protected !!