Connect with us

Entertainment

Sikat na Vlogger na si Zeinab Harake, Labis ang Kaligayahan Matapos Makabili ng Isang Family Van na Nagkakahalaga ng P3.9 Million

Isa sa pinakasikat at kilalang vlogger ngayon sa bansa ay si Zeinab Harake na talaga namang hinahangaan ng marami. At ang bawat milestone sa buhay ni Zeinab ay hindi pinapalampas ng kanyang 10.9 Million followers sa kanyang YouTube channel.

Credits: Zeinab Harake | YT

Palaging updated ang mga tagahanga ni Zeinab sa mga kaganapan ng kanyang buhay, dahil na rin sa mga vlog na kanyang ibinabahagi sa kanyang YouTube Channel. At isa sa pinakamahalagang milestone sa buhay ni Zeinab, ay pagiging isang ganap niyang ina sa kanyang anak na si Bia na isinilang noong ika-1 ng Mayo 2021.

At sa pagsisimula nga ng pagbuo ng pamilya ni Zeinab, ay unti-unti na rin niyang tinutupad ang kanyang mga pangarap para sa kanilang pamilya kasama ang kanyang partner na si Daryl Ruiz na kilala ng madla bilang Skusta Clee, isang rapper.

Kamakailan nga, ay nabigyang katuparan na ni Zeinab ang makabili ng isang family van na talagang angkop para sa kanyang pamilya. Ang van na ito ay bunga ng pagsisikap ni Zeinab sa kanyang pagtatrabaho. At hindi lamang ito ordinaryong van, dahil para sa kanyang pamilya ay talagang pinili niya ang maganda at komportableng sasakyan na nagkakahalaga ng ilang milyong piso.

Sa isang vlog ni Zeinab ay ipinasilip niya ang kanyang pagbili ng family van sa isang car dealer store. Kwento naman ni Zeinab ay ito ang unang pagkakataon na bibili siya ng sasakyan na mula sa kanyang pera, at talagang ang prayodad niya ay ang kanyang pamilya.

Credits: Zeinab Harake | YT

“So iyong binili kong van ngayon is for family talaga…para kay Bia. Kasi kailangan [kasi] may bata kami…’Pag may trabaho, ‘pag may mga gig, shows or what, importante my service kami.”

Ibinunyag naman ni Zeinab na umaarkila sila noon ng van kapag may pinupuntahan. At ngayong panahon ng pandemya, ay mas iniisip ni Zeinab ang kaligtasan ng kanilang pamilya.

Dagdag niya, “Minsan po talaga seryoso nag-aarkila kami ng van. Kapag mga travel-travel (mahirap). So naisip ko mas magandang personal van lalo na ngayong pandemic mahirap sumakay-sakay kung saan-saan.”

Habang nasa loob ng store, ay umagaw sa atensyon ni Zeinab ang isang napakagarang pulang sports car na sinubukan pa niyang sakyan. At makikita naman na talagang masayang-masaya ang vlogger. Ngunit, sa kabila nito ay sinabi naman ni Zeinab na wala siyang planong bumili ng pang-flex na sasakyan.

Credits: Zeinab Harake | YT

Labis-labis nga ang kaligayahan ni Zeinab nang matanggap na niya ang susi ng napakagandang family van na kanyang nabili. Ang bagong family van na ito ni Zeinab ay isang itim na Toyota Alphard na tinatayang nagkakahalaga ng P3.9 milyon.

Proud na proud naman si Zeinab dahil ang katas ng kanyang kasipagan at pagsusumikap ay magagamit na ng kanyang pamilya saan man sila magpunta. Dahil nga marami ring tinutulungan si Zeinab, ngayon nga ay panahon para pagbigyan niya naman ang kanyang sarili.

Credits: Zeinab Harake | YT

Sa huli nga ay abot langit ang pasasalamat ni Zeinab sa Diyos, lalo na nga’t tila hindi natatapos ang kanyang mga natatanggap niyang biyaya. Pangako pa ng sikat na vlogger, ay mas lalo pa niyang sisipagan ngayong may anak na siya.

“Sobrang nagti-thank you ako…Gusto ko talaga magpasalamat…unang-una kay God, sa family ko, sa Zebbies and siyempre sa sarili ko. Sinisipagan ko lang lalo na nang nagkaanak ako,” saad niya

error: Content is protected !!