Connect with us

Entertainment

Sikat Na Vlogger Na Si Zeinab Harake, Ipinasilip Ang Bonggang Christmas Decor Sa Kanilang Napakagandang Bahay

Ramdam na ramdam na nga ang diwa ng kapaskuhan sa ating kapaligiran. At sa nalalapit na pagsapit ng araw ng Pasko ay siya rin nating paghahanda kung saan nga ay naglalagay tayo ng magagandang Christmas decorations sa loob at labas ng ating mga tahanan.

Maliban nga sa Christmas tree na hindi nawawala sa loob ng ating mga tahanan, ay may iba’t ibang klase rin ng parol at makukulay na Christmas lights tayong masisilayan tuwing kapaskuhan.

At dahil nga, talagang napakagandang pagmasdan at nakakagaan rin sa pakiramdam ang paglalagay ng mga Christmas decor, ay hindi nagpahuli ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake na maging makulay rin ang kanilang tahanan sa tulong ng mga magagandang Christmas decor.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Sa latest vlog nga ni Zeinab, ay masayang ipinasilip ang bonggang Christmas sa loob at labas ng kanilang tahanan. Hindi naman nga pinalampas ni Zeinab na maibahagi ito sa kanyang mga followers upang maghatid ng good vibes.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Sa labas pa lang nga ng bahay ng sikat na vlogger, ay agad nang masisilayan ang ganda ng kanilang tahanan dahil sa liwanag na hatid ng makukulay na Christmas light. Kung sa labas ng bahay, ay nakakamangha na ang tanawin na masisilayan lalo namang nakakabilib ang dekorasyong masisilayan sa loob ng kanilang bahay.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Ayon naman kay Zeinab, ay ramdam na ramdam niya ang nag-uumapaw na blessings sa ngayong taon sa buhay, kaya naman nais niya itong pasalamatan. At isa nga sa paraan ni Zeinab, ang paglalagay ng Christmas decor sa kanilang bahay. Ang dati ngang black and white na desinyo ng kanilang bahay, ngayon nga ay pinaganda at binigyang kulay ng mga magagaan sa matang palamuti kung saan paskong pasko ang dating.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Makikita na ang mga bahagi ng bahay tulad ng garahe, sala, at dining area lamang ang nilagyan ng dekorasyon at ayon nga kay Zeinab ay ito ang mga bahagi ng bahay na madalas makita. Sa hagdan naman patungo sa ikalawang palapag ay masisilayan rin ang ilang Christmas decor.

Ang dati namang kulay itim na sofa ay pinalitan ni Zeinab ng kulang gray, at ito nga ay para bumagay sa disenyo ng Christamas decor. Sa kabuuan nga ay talagang napakaganda ng dekorasyon ng kanilang bahay. Mga light colors tulad ng pink, silver at gold, ang naisip na idesinyo ni Zeinab na talaga namang nakakagood vibes at napakagandang pagmasdan.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Pagbabahagi naman ni Zeinab ay talagang pinaghirapan at gumastos siya para lamang sa bonggang Christmas decor ng kanilang bahay para ngayong taon. Nais nga ni Zeinab na madama ang masaya at makulay na kapaskuhan, lalo na nga’t nag-uumapaw ang blessings sa kanyang buhay.

Sa ngayon ay masayang-masaya si Zeinab sa piling ng kanyang boyfriend na si Skusta Clee o si Daryl Ruiz sa tunay na buhay na isang rapper at miyembro ng Ex Battalion. Ang kanilang masayang pagsasama naman ay binigyang kulay ng kanilang anak na si Bia. Maliban kay Bia ay may adopted son pa si Zeinab, at ito nga si Lucas.

error: Content is protected !!