Connect with us

Entertainment

Sikat Na Vlogger Na Si Zeinab Harake, Ibinunyag Sa Kanyang Mga Tagahanga Na Nagpagawa Siya Ng Kanyang Lips

Puhunan na nga ng mga kilalang personalidad sa entertainment industry ang ganda ng kanilang panlabas na anyo. At para nga agad mapansin, bukod nga sa taglay na talento ay dapat maganda rin ang kanilang mukha. Katulad na lamang nga sa mundo ng showbiz, na pawang magaganda at seksi ang mga kilala nating artista.

Photo Credits : Zeinab Harake| IG

Kaya naman, may ilan na talagang inalaagaan ang kanilang sarili para maging maganda. Maliban nga, sa paglalagay ng make up sa mukha, ay may ilan ring bukas sa pagpaparetoke ng nais nilang baguhin sa kanilang katawan.

Marami nga sa mga kilala nating artista ang hindi ikinakahiya ang kanilang pagiging retokada dahil nagustuhan naman nila ang magandang resulta sa kanila at nakatulong rin ito sa paglago ng kanilang karera.

Photo Credits : Zeinab Harake| IG

At kamakailan lamang nga, ay hindi nagdalawang isip ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake na ibahagi sa kanyang mga tagahanga na nagpagawa siya ng kanyang lips. Taglay na ni Zeinab ang isang napakagandang mukha, ngunit dahil nais pa niyang maging maganda, at dahil na rin sa kanyang personal na dahilan ay nagpasya siyang sumailalim sa lip fillers.

Photo Credits : Zeinab Harake| IG

Sa kanyang latest vlog kung saan ay ipinakita niya ang kanyang paglalagay ng make up, ay sinagot rin ni Zeinab ang ilang katanungan mula sa kanyang mga tagahanga. At isa na nga rito ang tungkol sa kanyang lip fillers. Ang nasabing netizen ay nagtanong kung ano ang dahilan ni Zeinab bakit siya sumailalim sa lip fillers.

Photo Credits : Zeinab Harake| IG

Hindi naman nagdalawang isip ang sikat na vlogger na sagutin ito. At habang naglalagay ng make up sa kanyang mukha ay ipinapaliwanag nga ni Zeinab ang dahilan. Pag-amin ni Zeinab ay matagal na niyang pangarap na maranasan ang magkaroon ng magandang mga labi na tulad ng kanyang mga idolong international model na sina Kendall Jenner at Gigi Hadid. Maliban dito, ay mahilig rin siyang manood ng mga video ng mga taong nagpapa-lip filler at talagang humahanga siya sa ganda ng resulta nito.

Photo Credits : Zeinab Harake| IG

Diretsahan ngang pag-amin ni Zeinab ay gusto niya talagang maging makapal ang kanyang lips. Kaya naman, hindi na siya nagdalawang isip na gawin ito. At hindi naman maikakaila na masaya at nagustuhan ni Zeinab ang magandang resulta nito sa kanya.

Photo Credits : Zeinab Harake| IG

“Kaya ako nagpa-lip filler dahil, gusto ko talagang kumapal yung lips ko. Gusto ko lang siyang ma-experience. So, totoo po. ‘Di ba nga? Gustong-gusto ko sila Kendall Jenner, Gigi Hadid.”

“Sobrang saya ko kasi kumapal yung nguso ko. Totoo po, nagpagawa po ako ng aking lips.”

error: Content is protected !!