Connect with us

Entertainment

Sikat Na Vlogger Na Si Toni Fowler Ipinasyal ang mga Tagahanga sa Bagong Bahay, Sinurpresa din ang Kanyang Kasambahay Matapos Regaluhan Ng P100,000

Ang sikat na vlogger na si Toni Fowler ay hindi nagsasawa sa paghahatid ng saya sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang mga nakakaaliw na vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel.

Maliban naman sa sayang hatid ni Toni sa kanyang mga tagahanga, ay napapanood rin sa kanyang mga vlog ang labis niyang pagmamahal sa kanyang pamilya. Dahil rin sa pagiging responsable at mapagmahal sa mga taong nakapaligid sa kanya ay hindi naman maikakaila ang dami ng biyayang dumarating sa buhay ni Toni.

Kaya naman, bago matapos ang taon ay ibinahagi ni Toni sa kanyang latest vlog ang bagong bahay na magiging tahanan ng kanilang pamilya na tinawag nilang Toro de Palacio. Sa nasabing vlog ay nagkaroon ng pa-house tour ang sikat na vlogger, kung saan nga ay inilibot niya bawat sulok ng bago at napakagandang bahay ang kanyang mga viewers.

Photo credits: Toni Fowler | Youtube

Photo credits: Toni Fowler | Youtube

Ayon naman kay Toni, ay malaki ang kanyang pasasalamat na natupad na niya ang magkaroon ng sariling bahay, kung saan sila sama-samang maninirahan at magagawa ang mga bagay na nais nila ng walang reklamo ng kapitbahay. Naikwento ni Toni na noong nasa condo pa lamang sila ay narereklamo sila dahil sa ingay sa tuwing may kaganapan sa kanilang condo.

Photo credits: Toni Fowler | Youtube

Hindi naman na pinalampas ni Toni ang pagkakataon na sa bagong bahay nila ipagdiwang ang pagsalubong sa bagong taon. Makikita nga sa video ang saya ng bawat isa sa pagsalubong ng New Year.

Espesyal rin ang naganap na pagdiriwang dahil isang surpresa ang inihanda ni Toni para sa kanyang mga kasambahay. Sa nasabing vlog ay ipinakilala ni Toni ang kanyang mag-inang kasamabay na sina Mama Rose at Ate Anne na nakasama rin ng pamilya Toro sa New Year celebration.

Photo credits: Toni Fowler | Youtube

Ayon kay Toni, ay kinailangan niyang kumuha ng kasambahay para may makakatulong siya sa mga gawaing bahay. Sina Mama Rose at Ate Anne nga ang kanyang nakita para maging kasambahay. Ang mag-ina ay nagmula sa Bicol, kung saan nga sa layo nito ay hindi maiwasang malungkot at mamiss rin ang kanilang pamilya. Ayon nga kay Ate Anne ay namimiss na niya ang kanyang pamilya ngunit masaya naman siyang nakakasama niya ang kanyang idol na si Toni.

Photo credits: Toni Fowler | Youtube

Dahil nga malaki ang naitutulong ng mag-ina kay Toni lalo na sa mga gawaing bahay, ay isang surpresa ang hatid ng sikat na vlogger kung saan ay niregaluhan niya ang mag-ina ng perang nagkakahalaga ng P100,000.

Photo credits: Toni Fowler | Youtube

“Alam kong nami-miss niyo ang pamilya niyo, Mama Rose at saka Ate Anne. At ngayong bagong taon, meron akong maliit na regalo para sa inyo. Yes, dahil diyan meron kayong 100 thousand pesos.”

Labis nga ang tuwa at pasasalamat ng mag-ina ng matanggap ang regalo ni Toni. Ang natanggap nga nilang pera ay malaking tulong sa kanilang pamilya para mapaayos ang kanilang bahay.

error: Content is protected !!