Connect with us

Entertainment

Sikat na Singer na si Rico Blanco, Pinakilig Ang Kanyang Girlfriend na si Maris Racal Sa Kanyang New Hairstyle

Agaw pansin ngayon sa social media ang new look ng sikat na singer na si Rico Blanco. Makikita kasi na ang kanyang dating mahabang buhok, ngayon nga ay maikli na at malinis nang tingnan.

Credits: Rico Blanco| Facebook

Matagal nang hindi nagpapagupit ng kanyang buhok si Rico at ang huli niya ngang pagpapagupit ay noon pang bago dumating ang pandemya kaya naman humaba na nang husto ang kanyang buhok.

At kamakailan lamang ay ibinahagi ng singer sa kanyang vlog kung paano niya gupitan ang kanyang sarili. Ngunit, bago gawin ang paggugupit sa kanyang sarili ay lumapit muna siya sa kanyang kasintahan na si Maris Racal na tinawag pa niyang “Boss” para hingin ang opinyon ng aktres.

Credits: Rico Blanco| Facebook

Humingi nga si Rico ng ideya kay Maris kung anong gupit ang babagay sa kanya. Ipinakita naman ni Maris sa nobyo ang iba’t ibang klaseng hairstyle na gusto niya para rito. Ngunit, hindi naman magiging madali ang pagsunod ni Rico sa gustong hairstyle ni Maris para sa kanya dahil DIY ang kanyang gagawin kaya naman tiyak na mahihirapan siya sa paggupit sa kanyang sarili.

Makikita nga na noong una ay talagang nahirapan si Rico na gupitan ang kanyang sarili ngunit unti-unti na rin niyang natutunan ang technique sa DIY hair cut. At matapos lamang ang 45 minuto, ay natapos na ang ginawang DIY hair cut ni Rico. Hindi maikakaila na masaya ang singer sa kinalabasan ng kanyang bagong hair style. Matapos niyang masilayan ang kanyang bagong hitsura sa kanyang new hair style ay agad niyang tinawagan ang kanyang nobya upang ipakita rito ang resulta ng kanyang ginawang DIY hair cut.

Credits: Rico Blanco| Facebook

Hindi naman nabigo si Rico dahil “Girlfriend Approved” naman ito para kay Maris. At tulad ng singer ay masaya rin si Maris na makita ang bagong anyo ng kanyang boyfriend sa maikli at malinis tingnan nitong buhok. Hindi nga maitago ni Maris ang kanyang saya nang makita si Rico, at tila gwapong-gwapo ito sa kanyang nobyo at kinikilig pa.

Marami rin sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang kinilig sa nakakatuwang vlog ni Rico ng kanyang bagong hair style at paghingi ng permiso kay Maris.

“I’ve never heard and seen Rico open and vocal about his love life. Ngayon lang!!!!!!!! Ang sweet mo pala Mr Rico!!!!! Sooooooo kilig with all your videos with Maris. So spontaneous and natural. Halatang na in love pa more si Madam sa new haircut!”

Credits: Rico Blanco| Facebook

“You guys reminded me when me and my husband started our love story/relationship same age sa inyong 2 at same age gap. The day when you both became popular in social media I started and decided to follow your love story in all showbiz news. After 4yrs of bf/gf relationship, we decided to get married and now we are happily 13yrs of marriage with our 2 beautiful boys (13 and 11 yrs old). Love is not about ages but it’s all about the power of love. When true love wins between the 2 lovers surely happiness and contentment of life will bloom together.”

“Sa celeb couple lang ito ako natutuwa at kinikilig. Ramdam mo yung sincerity at pagiging genuine. No pretensions. Really praying na wedding na ang susunod for you Rico and Maris.”

Credits: Maris Racal | IG

Samantala, ang relasyon nina Maris at Rico ay inamin ng dalawa noong nakaraang Mayo 2021. Magkasundong-magkasundo ang dalawa, lalo na nga’t pareho silang mahilig sa musika at parehong hilig ang pagkanta kung saan nga ay ito na rin ang nagsisilbi nilang bonding moments.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami ang maglayong agwat ng mga edad nina Rico at Maris kung saan nga ay mas matanda ng 25 taon ang singer sa kanyang nobya. Ngunit, ang malayong agwat ng kanilang mga edad ay hindi naging hadlang sa kanilang pagmamahalan. Minsan na ring inamin ni Maris na kahit noong hindi pa siya artista ay matagal na niyang crush si Rico at isa nga siyang masugid na tagahanga ng mahusay na singer.

 

error: Content is protected !!