Connect with us

Entertainment

Sikat na Singer na si Mitoy Yonting, Nagtitinda ng Milktea Ngayon sa Gitna ng Pandemya Bilang Hanapbuhay

Hindi natin maitatangi na gaano man kasagana ang buhay ay dumadarating talaga ang puntong nakakaranas ng hirap.

Ngayong panahon nga ng pandemya ay apektado ang kabuhayan ng karamihan sa atin. Ngunit, sa kabila ng hirap at mga pagsubok na kaakibat ng pandemya, ay hindi nga nito mahahadlangan ang kasipagan at pagiging madiskarte ng mga Pinoy.

Katulad na lamang nga ng sikat na singer na si Mitoy Yonting na hinahangaan ngayon ng marami dahil sa kanyang sipag, tiyaga at diskarte matapos pasukin ang pagtitinda ng milk tea bilang kabuhayan ngayong pandemya.

Kilala si Mitoy sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na singer at komedyante. Maraming oportunidad na ang dumating sa buhay ni Mitoy, ngunit ang kanyang pagkapanalo sa first season ng The Voice of the Philippines noong 2013, ang nagdala sa kanya sa tinatamasa niyang tagumpay at kasikatan ngayon.

Dahil nga dito, ay nagkaroon siya ng pagkakataon para masubok rin ang kanyang husay bilang artista. Ipinamalas rin niya ang kanyang pagiging mahusay na singer bilang hurado sa Tawag ng Tanghalan sa Its Showtime. Kaya naman, sa dami rin ng naging proyekto ni Mitoy sa showbiz, ay hindi maitatanggi na marami rin siyang naipong pera.

Credits: Ogie Diaz | YT

Ngunit, sa isang vlog kung saan nakasama niya si Ogie Diaz ay inamin ni Mitoy na matindi rin ang epekto sa kanyang karera ng nararanasang pandemya. Bagama’t may naipon, ay hindi naman ito sapat lalo na nga’t matagal na panahon na ring nakikipagsapalaran sa pandemya.

“Pero ngayong panahon na ito medyo sanay na lang. Hindi ko na lang binubuwisit ang sarili ko kasi nga biruin mo since March last year, talagang as in ‘yung trabaho pasingit-singit,” pagbabahagi ni Mitoy.

Credits: Ogie Diaz | YT

Bagama’t nahihirapan ay sisiw lamang kay Mitoy ang problemang kinakaharap ngayong pandemya. Ito nga ay dahil kumpara ngayon, ay may mas malaking pagsubok nang pinagdaanan ang kanyang pamilya noon.

“Kaya lang siguro nakakangiti ako hindi naman sa pagmamayabang pero ‘yung darkest day at darkest hour, naranasan ko na ‘yon.”

Credits: Ogie Diaz | YT

Ayon nga kay Mitoy, gaano man kahirap ang naranasan nila noon ay nalampasan ito ng kanyang pamilya. Kaya naman, tiyak na malalampasan rin nila ngayon ang pagsubok na hatid ng pandemya. Malaki rin ang pasasalamat ni Mitoy dahil walang nagkakasakit sa kanyang pamilya.

“Nalagpasan ko ‘yon. Nalulungkot pa rin kami pero nalagpasan ko ‘yon. So itong pandemic, nandito pa naman tayo humihinga. Mga kamag-anak, mga mahal sa buhay nandito, sama-sama kahit paano walang nagkakasakit. Positive thinker ako eh.”

Masayang ibinahagi ni Mitoy na ngayong panahon ng pandemya ay abala sila sa kanilang bagong negosyo, ang pagtitinda ng milktea. At bukod nga sa tulong na pinansyal na hatid nito sa kanilang pamilya, ay kakaibang saya rin ang hatid nito sa kanila lalo na nga’t nalilibang silang mag-asawa.

Credits: Mitoy Yunting | IG 

Kwento naman ng sikat na singer, ang kanilang milktea business kung saan ay isang rolling milktea store, ay siya mismo ang nagmamaneho. Habang ang kanyang asawa at pamangkin naman ang nagtitimpla ng masarap na milktea para sa kanilang mga customer.

Marami nga ang humanga kay Mitoy dahil hindi niya ikinakahiya ang pagtitinda ng milktea ngayong pandemya. Kahanga-hanga rin na pinatunayan ni Mitoy ang kanyang kasipagan at diskarte, sa kabila ng hirap at pagsubok na hatid ng pandemya.

 

error: Content is protected !!