Connect with us

Entertainment

Sikat na Singer na si Angeline Quinto, Inilibot ang Kanyang Mga Tagahanga sa Napakagandang Dream House ng Kanyang Mama Bob

Ang singer na si Angeline Quinto, ay pinabilib ang publiko sa unang pagkakataong ipinamalas niya ang kanyang talento at husay sa pagbirit sa singing competition na “Star for a Night” kung saan ay naging katunggali niya si Sarah Geronimo.

Magmula ng madiskubre ang talento sa pag-awit, ay pinatunayan niya na isa nga siyang Diva na may kahanga-hangang tinig. Dahilan upang maging matagumpay at mamayagpag ang karera sa mundo ng musika.

Sa kabila naman ng matagumpay niyang karera, ay ang buong pusong pagsuporta sa kanya ng kanyang Mama Bob, kung saan nakasama niya magmula ng isilang siya. Malayo na nga ang narating ni Angeline sa buhay, at isa sa naipundar na bunga ng kanyang pagsisikap ay ang dream house ng kanyang Mama Bob.

At kamakailan lamang sa latest vlog ni Angeline ay ipinasilip niya sa kanyang mga tagahanga ang dream house ng kanyang Mama Bob. Dahil nga, wala na rin ito ay nagpasya na ang singer na ipasilip ang humble home na naging tahanan nila sa loob ng walong taon. Matatandaan na noong nakaraang taon buwan ng Nobyembre nang pumanaw si Mama Bob.

Pagpasok pa lang sa loob ng tahanan ay talagang nakakamangha na ang ganda nito. At ang unang mapapansin ay ang hugis star na nakaukit sa pintuan ng bahay. Sa mga tagahangang nagtatanong kung bakit may star sa pinto, ay ipinaliwanag ito ni Angeline.

Aniya,“Ito talaga ‘yung laging tinatanong sa akin. Bakit daw ako mayrong malaking nakaukit na star dito sa main door? Nagkaroon ng koneksyon sa bawat mga singing contest na sinalihan ko kasi Star for a Night ‘yung pinagsamahan namin ni Ms. Sarah Geronimo tapos ‘yung Star Power.”

Ipinakita din ni Angeline ang isang silid kung saan ginawa nyang music room at kung saan nakalagay ang kanyang mga natangap na awards.

Ipinakita naman ni Angeline ang ilan sa mga kagamitang makikita sa loob ng bahay. Kabilang na nga rito ang mga furniture, at ilan sa mga ito ay regalo sa kanya ng mga kaibigan niya sa showbiz tulad lamang nina Vice Ganda at Vicki Belo. Ang dining table nga, ay bigay sa kanya ni Vice.

May pasilip rin si Angeline sa swimming pool ng bahay, kung saan ay paboritong lugar ng kanyang pamilya. Dahil dito sila madalas magbonding ng sama-sama.

Samantala, ipinakita rin ni Angeline ang mga abo ni Mama Bob na nakalagay sa isang urn na nakadisplay sa altar na matatagpuan sa isang sulok ng kanilang bahay. Ayon naman sa singer, ay plano niyang ilagay sa columbarium ang abo ni Mama Bob matapos ang ilang buwan.

Kapansin-pansin naman na sa paglilibot sa bahay, ay hindi maiwasan ni Angeline ang ibahagi ang masayang alaala kasama ang yumaong ina sa loob ng kanilang tahanan. Tila nga miss na miss na ni Angeline ang yumaong ina dahil mula sa living area, dining area at ilan pang bahagi ng bahay ay kasama niya ang kanyang Mama Bob noong nabubuhay pa ito.

Samantala, ang bedroom at ilan pang bahagi ng bahay ay mapapanood naman sa 2nd part ng vlog ni Angeline.

error: Content is protected !!