Connect with us

Inspiring

Sikat Na Singer at Vlogger Na Si Donnalyn Bartolome, Mamimigay Sa Kanyang Mga Fans Ng House And Lot Na Nagkakahalaga ng P2 Million

Sino nga ba ang hindi makakakilala sa sikat na singer, aktres at vlogger na si Donnalyn Bartolome? Sa kanyang taglay na ganda at talento ay talaga namang humahakot siya ng milyon-milyong followers sa kanyang social media account. Pagdating naman sa kanyang sariling Youtube channel kung saan niya ibinabahagi ang kanyang mga nakakaaliw na videos, ay mayroon naman siyang mahigit 8 million subscribers.

Photo credits to the owner

Marami naman talaga ang humahanga kay Donnalyn hindi lamang sa kanyang taglay na kagandahan at talento, kundi pati na rin sa kanyang napakabuting kalooban. Madalas pasayahin ni Donnalyn ang kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga biyaya sa mga ito.

Photo credits to the owner

Pagdating rin sa pagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangan ay hindi nagpapahuli si Donnalyn. Kahit nga anong sakuna ay makikitang naroon rin ang aktres para magpaabot ng kanyang tulong. Walang duda kung bakit, mas lalo siyang minamahal ng kanyang mga tagahanga.

Photo credits to the owner

Hindi rin naman matatawaran ang pagmamahal ni Donna sa kanyang mga tagahanga, kung saan nga sa bawat tagumpay niya ay kasama niya ang mga ito. At kamakailan lamang nga, ay isang pasabog ang inihanda ni Donna para pasalamatan ang kanyang mga fans na walang sawang nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Photo credits to the owner

Sa kanyang latest vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel, ay masayang inanunsiyo ni Donna na mamimigay siya sa kanyang mga masusugid na tagahanga ng house and lot na nagkakahalaga ng P2 million. Ipinasilip nga ni Donna ang nasabing bahay, kung saan nga ay napakaganda at lahat ng pangangailangan ay matatagpuan na rin dito. Malapit ito sa simbahan, school at palengke kaya naman hindi na mahihirapan ang mapalad niyang tagahanga kapag nanirahan dito.

Photo credits to the owner

Ang bahay na ipapagkaloob ni Donna sa kanyang mga tagahanga ay fully-furnished house, at kompleto na rin sa kagamitan tulad ng sofa, TV, ref at marami pang iba. Bagama’t, maliit ang bahay ay mapapansin naman na nagmukha itong maaliwalas dahil sa disenyo nito.

Sa 2nd floor naman ng bahay ay matatagpuan ang isang kwarto na animo’y kids room o pwede ring study room kung saan makikita ang convertible bed, laptop at cellphone.

Photo credits to the owner

At para nga makuha ang napakagandang bahay at lupa, ay ibinahagi naman ni Donna sa kanyang mga fans ang mechanics.

“Help to help yourself. Madali lang ‘to, guys. Magko-comment lang kayo ng kung ano ang ginagawa n’yo to help yourself…or the people around you. What are you doing? Nag-aaral ka ba nang mabuti? Are you working? May business ka ba? Tell me about it. I wanna hear it.”

Photo credits to the owner

Tiyak na marami sa mga tagahanga ni Donna ay nakaabang na kung sino ang mapalad na makakakuha ng house and lot na pinapangarap nga ng marami.

error: Content is protected !!