Connect with us

Stories

Sikat na Mang-aawit na si Sheryn Regis, Emosyunal na Ibinahagi ang Kanyang Laban sa Kanyang Naging Malubhang Sakit

Si Sheryn Regis ay isang kilalang singer sa industriya ng showbiz. Unang nakilala ang pangalan ni Sheryn matapos magwaging first runner up sa singing competition na “Search for the Star in a Million” noong 2003 kung saan ang mahusay na singer na si Erik Santos ang itinanghal na champion.

Magmula noon ay naging sikat singer na siya sa industriya, kung saan ay kilala siya sa kanyang mga kanta ng TV series ng ABS-CBN tulad ng Marina, Krystala, Kampanerang Kuba, Gulong ng Palad, Maria Flordeluna at Prinsesa ng Banyera. Hindi nga maikakaila na talagang tumatak sa puso’t isipan ng publiko ang kanyang mga nakakaantig na awitin.

Photo credits: Sheryn Regis | IG

Ngunit, tulad ng kanyang mga awitin sa mga teleserye, ay matindi ring damdamin at pagsubok sa buhay ang kanyang naranasan. Ito nga ang pagsubok na kanyang pinagdaanan sa pagharap sa sakit na thyroid [email protected]

Kamakailan nga, ay naging emosyunal si Sheryn sa kanyang naging panayam sa programang “Magandang Buhay”, matapos ibahagi ang kanyang pinagdaanan laban sa sakit na thyroid [email protected] Pag-amin nga ni Sheryn, ay sumailalim siya sa surgery. At sa oras ng surgery, ay hindi raw alam ng kanyang mga magulang na siya pala ay sumailalim sa surgery para sa kanyang thyroid [email protected]

Photo credits: Magandang Buhay | Youtube

Pagbabahagi naman ni Sheryn, ay sa Cebu niya nalaman ang kanyang sakit. At mas pinili nga ng singer na sa Cebu gawin ang kanyang treatment kaysa sa U.S.

Photo credits: Magandang Buhay | Youtube

Samantala, hindi naging madali ang lahat para kay Sheryn. Dahil nga, thyroid [email protected] ang kanyang nilalabanang sakit, ay natatakot siya na baka mawala ang kanyang tinig at hindi na siya makaawit muli matapos ang operasyon. Pagkukwento pa nga ni Sheryn, ay nakaranas rin siya ng depression dahil sa labis na pag-iisip. Bagama’t, sinisikap ng singer na maging positibo ang kanyang isipan, ay hindi umano niya maiwasang mag-isip ng mga bagay-bagay.

Photo credits: Sheryn Regis | IG

Sa kabila nga ng hirap na naranasan upang labanan ang kanyang sakit, ngayon nga, ay masisilayan na ang isang napakaganda at malusog na si Sheryn, isang [email protected] free na si Sheryn. Bagama’t, [email protected] na, ay patuloy parin ang ilan niyang medikasyon upang mapanatiling malusog ang katawan.

Samantala, ang anak ni Sheryn na si Sweetie ay kasalukuyang naninirahan ngayon sa US. At ngayon nga na nasa Pilipinas na siya at hindi makapag-travel patungo sa kanyang anak na magdiriwang ng 18th birthday ngayong nalalapit na Pebrero, ay nakadama siya ng kalungkutan.

error: Content is protected !!