Sikat na Kontrabidang Aktor Na Si Mon Confiado Ginulat ang mga Netizens sa Biglaan nitong Pagbago ng Itsura: Laos Na Nga Ba?

Masasabing sa mundo ng Showbiz walang kasiguruhan na mananatili ang kinang ng isang artista maaring sa isang panahon ay kumikinang ang kaniyang karera at sa isang iglap ay tuluyan ng mawala sa industriyang kinabibilangan. Tunay na hindi nila hawak ang bawat eksena sa harap man o maging sa likod ng kamera kaya talagang napakahalaga ng bawat pagkakataon na masusulyapan sila harap ng pinilakang tabing.

Sa katunayan, marami ng mga sikat na artista ang tuluyan ng iniwan ang minsan nilang pinagbuhusan ng talento at panahon. Ilan sa kanila ay pinili talagang iwan ang pagiging artista sa personal nilang kadahilanan at ang iba naman ay kinailangang lisanin ang showbiz dahil tuluyan ng nawalan ng puwang sa mundong minsan silang namayagpag.



Sinu ba ang hindi nakakakilala sa magaling na aktor na si Ramon Veroy Confiado na mas kilala sa showbiz bilang ‘Mon Confiado’ na kung tatanungin ang mga naging kasama niya sa showbiz ay masasabing isa sa magaling na aktor sa industriya.

Sa katunayan ay nakasama na siya maraming pelikula maging sa mga teleserye sa telebisyon kung saan napahanga niya ang mga manunuod sa pagiging epektibong kontrabida.

Kaya marami ang nagulat sa biglang pagbabagong ng pisikal na anyo ng kontrabidang aktor at sa isang larawan nga ay hindi mo na siya makikilala at makikita na sobra ang ipinayat ng “Heneral Luna” actor.



Sa kabilang banda, maraming netizen ang napaisip sa kanyang biglang pagbabago sa katunayan ay ilang mga di kumpirmadong balita ang lumutang patungkol sa aktor.

At bukod pa dito ay muling nakita ang aktor sa isang lugar sa Manila na iba na naman ang itsura at maaring dahil dito ay nagka-ideya na at nabigyan linaw na sa totoong pangyayari sa biglang pagbabago ng “Bagman” cast.

Sa katunayan sa isang panayam pa nga sa “Goyo: Ang Batang Heneral” actor ay nilinaw niya ito ay bahagi ng kanyang proyekto kung saan kailangang baguhin niya ang kanyang kaanyuan upang mabigyan ng tamang pagganap ang karakter para sa nasabing proyekto.

Sa isang Instagram post nga ay ibinahagi ng aktor ang kanyang dedikasyon pagdating sa pagmamahal niya sa kanyang trabaho,

“Physical transformation in the name of cinema isn’t always easy. It requires a lot of discipline, dedication, passion, sacrifice, commitment and love for the art. ❤️🎬🔥 #dramaticphysicaltransformationsforarole #chameleon”, pahayag pa ni Mon.

Ilang mga netizen at kapwa artista ang pinuri ang natatanging dedikasyon ng aktor ilan sa kanila ay,

“benxalves The best one to do it!”,
“loveyabella_ Kaya idol kita kuya 👋👋👋”, “lucas_aljhon One of my fave Actors !🙌”,
“_1islandgirl Omg! You are such a versatile actor! Bata palang ako napapanood ko na kayo. Bwisit sayo dahil lagi kang kontrabida😂. Clearly shows that you are very good at what you do! I admire you!”,
“edmhidalgo That’s a picture of a true artist. Kung anong hinihingi ng role,Yun ang ginagawa”.



At para talaga sa nag-iisang Mon Confiado isa lang ang dahilan kung bakit siya nagtagal sa industriyang kinabibilangan,

“One of the most important elements in acting is characterization: making characters seem vivid, real, alive”, pagbabahagi pa ng premyadong kontrabidang aktor. Mabuhay Ka Po.