Connect with us

Entertainment

‘Si Neil yung Groomzilla, si Angel ung Bridechillax’ Angel Locsin Aminadong walang Dream Wedding, Neil Arce Hands-on sa Wedding Planning

Marami ngang mga kababaihan ang nangangarap na magkaroon ng maganda at engrandeng kasal kapag naganap ang pag-iisang dibdib sa kanilang minamahal. Ang iba nga ay talagang pinaghahandaan at pinag-iisipang mabuti upang makamit ang kanilang dream wedding.

Photo credits: Neil Arce | IG

Ngunit, hindi tulad ng ibang kababaihan, ang aktres na si Angel Locsin ay walang dream wedding. Ito nga ang inamin ni Angel sa panayam ng TV host na si Bianca Gonzales-Intal sa Cinema News kamakailan.

Ayon nga kay Angel, ay wala siyang dream wedding dahil lumaki siya sa isang kumonidad na gown lang ang nirerentahan. At para nga kay Angel ay mabilisang kaganapan lamang ang kasal.

“WALA akong dream wedding. Lumaki kasi ako sa community na ang gown nirerentahan lang, hindi ka nagpapatahi walang designer, walang stylist.”

“Para sa akin isa lang mabilisang event (ang kasal). Iyon ang nakikita ko nu’ng bata ako.”

Nadako nga ang kanilang usapan dito, nang tanungin si Angel kung ano ba ang dream wedding ng aktres, ngayong nalalapit na siyang ikasal sa kanyang fiancee na si Neil Arce.

Photo credits: Neil Arce | IG

Kwento naman ni Angel, noong bata pa lamang siya, ang talagang tumatak sa isip niya ay pagkatapos ng seremonya ay kainan sa reception. Ngunit, sa kabila nito ay curious raw si Angel kung sino ang makakasama niya sa kanyang pagtanda.

“Kakain ka after (reception), ‘yun ang masaya ron. Hindi ko naiisip ‘yun nu’ng bata ako, pero curious ako kung sino ang makakasama ko sa habang buhay.Pero ‘yung wedding mismo kung anong gown ang susuotin mo, anong music ‘yung lalakaran mo wala akong alam.”

Ang bagay na ito ay sinang-ayunan naman ni Bianca. Pag-amin rin ng TV host, katulad ni Angel ay wala rin siyang dream wedding noon.

Ngunit, para sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila Angel at Neil, ay ano nga ba ang pinakapaboritong parte sa paghahanda ng kasal ng bride to be? Nakaka-excite naman talaga ang maikasal lalo na sa taong mahal mo. Ngunit, ayon kay Angel ay mas excited raw ang fiancee na si Neil kesa sa kanya.

“Surprisingly si Neil ‘yung groomzilla ha, hindi ako. Yes, siya ‘yung nagpaplano. Mas siya pa ‘yung ‘o kailangan natin itong gawin, o gusto ko ‘yung ganito, ito bisita ko, etceteram’ Siya ‘yung mas ganu’n.”

Photo credits: Neil Arce | IG

At kung si Neil ang groomzilla, si Angel naman ang bridechillax.

“Oo, chill lang ako. Actually sobrang chill ko natapos ko na ‘yung planning namin nu’ng early stage palang nu’ng nagpo-post siya tapos after ng mga four months kaming nagplano, okay na ako tapos na ako.”

Samantala, dapat sana ay noong nakaraang taong 2020 pa naganap ang pag-iisang dibdib nina Angel at Neil ngunit dahil sa pandemya ay hindi ito natuloy. At ngayong 2021 nga, ay tuloy na tuloy na ito pero may ilang mga detalyeng babaguhin bilang pagsunod sa health protocols.

“Kailangan lang naming baguhin ngayon kasi dahil sa health protocols. Kailangang magbawas ng bisita kahit ayaw ko talagang magbawas kasi iilan lang ‘yung bisita ko na sobrang special sa akin, so masakit sa akin.”

“Hindi ko naman puwedeng tanggalin ang lahat ng bisita ni Neil. Ha-hahaha! Kawawa naman siya di ba? Okay na, magaling din naman ‘yung wedding planner ko, so wala akong iniintindi, mahirap masala ‘yung okasyon baka mahaluan pa ng bashing or ng kung anu-ano,” kuwento ng future Mrs. Arce.

Photo credits: Neil Arce | IG

Masaya namang ibinahagi ni Angel na napaka-supportive ng kanyang fiancee sa paghahanda ng kanilang kasal. Kaya naman, masaya siya na habang nagpaplano, ay hindi sila nagkaproblema o nag-away ni Neil.

“Pipili lang ako kung sinong wedding planner, sinong stylist, make-up artist, sinong photographers, videographers. Pipili na lang ako, na-screen na niya lahat ‘yun. Yes or no lang ako, so ang saya lang.”

Photo credits: Neil Arce | IG

“Iba pag tumutulong ang fiancé mo rin sa preparations. Baka kasi nagba-bridezilla rin ang mga kababaihan kasi pag walang suporta (ng fiance). Pero kung nakakaramdam sila ng suporta at hindi sila nag-iisa sa journey na ‘yun, I think hindi naman magpa-panic ang mga kababaihan.”

Sa ngayon, ay wala pang eksaktong petsa kung kailan magaganap ang kanilang pag-iisang dibdib. Ngunit, tiyak naman na marami na ang nakaabang sa kanilang pagpapakasal.

error: Content is protected !!