Connect with us

Entertainment

‘She’s my core and I’m happy’: Arjo Atayde, Inialay ang Natanggap na Parangal Bilang Best Actor sa Kanyang Nobyang si Maine Mendoza

Walang pagsidlan ng kaligayahan at labis ang pasasalamat ng aktor na si Arjo Atayde, matapos makatanggap ng parangal bilang Best Actor.




Kamakailan nga, ay si Arjo ang itinanghal na panalo at pinakamagaling na aktor ngayong taon sa naganap na Asian Academy Creative Awards. Ito nga ay dahil sa ipinamalas niyang husay sa pagganap sa iWant digital series na “Bagman”.

Photo credits: Arjo Atayde | Instagram

Sa natanggap na parangal, ay pinasalamatan ni Arjo, ang mga taong tumulong at naging kaagapay niya sa kanyang journey bilang isang artista. Maging ang mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya, ay pinasalamatan rin niya.

Maliban naman sa pamilya, mga kaibigan at tagahanga ni Arjo, labis rin ang pasasalamat ng aktor sa kanyang nobyang si Maine Mendoza na isa sa nagbibigay ng lakas ng loob, inspirasyon at suporta sa kanya.

“I’m very happy and blessed of course. She knows naman what I have to say. I just dedicate this to her. She’s an inspiration to me. She’s my core and I’m happy.”

Photo credits: Arjo Atayde | Instagram

Pagbabahagi naman ni Arjo, bago pa man ianunsyo ang kanyang award, ay nauna na umano si Maine na nagpaabot ng pagbati sa kanya. Ngunit, paglilinaw ni Arjo, ay sila ang uri ng magkasintahan na hindi na kailangang idaan pa sa social media ang pagbati sa tagumpay ng bawat-isa. Kahit nga sa simpleng paraan ni Maine nang batiin siya nito, ay masaya na ang aktor sa ginawa ng nobya.

“Basta we celebrated on our own and of course I’m very happy. I’m very happy when she messaged me, with or without the post, she congratulated me na so it’s more than enough. I don’t need to be posted. I just really appreciate it when she does know because we’re not really out there. But I’m very happy. I appreciate her in every single way.”

Photo credits: Arjo Atayde | Instagram

Ibinunyag naman ni Arjo na sa susunod na taong 2021 ay papasukin na rin nya ang paggawa ng pelikula, at ngayon pa lang nga ay may mga plano at nais na siyang gawin bilang producer. Hindi rin niya palalampasin, kung mabibigyan ng pagkakataon na makatrabaho ang mga sikat at bigating Hollywood at local celebrities.




“Sila Denzel Washington, Robert de Niro, Anthony Hopkins, Edward Norton, Eddie Redmayne, Miles Teller, Leonardo di Caprio, Jonah Hill, Kevin Hart, Will Ferrell, too much to mention. Madami pa po and mostly also a lot of senior actors we have in the Philippines, not only Hollywood but also here. Ang dami ko pang pangarap makatrabaho. Meryl Streep, Halle Berry, madami pa akong gusto makatrabaho na babae.”

Photo credits: Arjo Atayde | Instagram

Pagdating naman sa mga local celebrities, ay tanging ang aktor na si John Lloyd Cruz ang pangarap niyang makatrabaho. Hindi rin siyempre mawawala ang pangarap na makatrabaho at makasama sa isang proyekto ang kanyang nobyang si Maine.

“Si Lloydie pa rin ako at saka sa babae si Maine. Anything, just something different. Kahit ano basta makatrabaho ko siya and basta mag-e-enjoy kami and something that would present something sa table for our Kapamilyas. Sana mangyari.”

error: Content is protected !!