Connect with us

Entertainment

Sheena Halili, Enjoy na Enjoy ang Pagiging First Time Mom sa Kanyang Napakacute na Anak na si Baby Martina

Ang maging ina ay maituturing na biyaya, dahil hindi lahat ng babae ay nabibigyan ng pagkakataon upang maging isang ina. Kaya naman, magmula sa pagsilang ng sanggol hanggang sa pag-aalaga ay talagang ineenjoy ang bawat sandali. Ang hirap at pagod nga, ay balewala kapag nasilayan ang maamong mukha ng munting sanggol.




Katulad na lamang nga ng first time mommy na si Sheena Halili na enjoy na enjoy ngayon sa pagiging isang ina sa panganay na anak nila ng kanyang asawang si Jeron Manzanero.

Photo credits: Sheena Halili | IG

Matatandaan na ikinasal sina Sheena at Jeron noon lamang nakaraang taon buwan ng Pebrero. Hindi nga nagtagal ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng isang malusog at napakacute na baby girl na pinangalanan nilang Martina.

Photo credits: Sheena Halili | IG

Isinilang ni Sheena ang panganay na anak nila ni Jeron noong Disyembre 12, 2020. Hindi naman maikakaila na sadyang napakacute ni Baby Martina, at ang masilayan nga ang anak ay naghatid ng kakaibang ligaya sa first time mom. Nang isilang nga ni Sheena ang anak ay halos hindi siya makapaniwala. Kaya naman, ganun na lamang ang kanyang pasasalamat dahil malusog at ligtas silang mag-ina nang siya’y manganak.

“Hello, anak! Hanggang ‘di pa rin ako makapaniwala na nahahawakan at nayayakap na kita. Maraming salamat Lord at healthy kaming dalawa.”

Photo credits: Sheena Halili | IG

Hindi naman nakalimutan ng aktres na pasalamatan ang mga taong nasa likod ng maayos niyang pagbubuntis hanggang sa kanyang ligtas na panganganak.




“I would like to thank all the doctors and nurses that were part of my pregnancy journey. Most especially to my very maalagang OB, Dra. Marie Victoria Cruz-Javier. She was the reason why healthy at malakas ako sa pregnancy ko hanggang sa mag-push ako kagabi.”

Photo credits: Sheena Halili | IG

Samantala, hindi naman maitago ang kaligayahan ng mag-asawang Sheena at Jeron sa pagdating ng kanilang Baby Martina sa kanilang buhay. Sa Instagram account nga ni Sheena, ay masisilayan ang napakacute na mukha ni Baby Martina. May pasilip rin ang aktres sa unang araw ni Baby Martina sa kanilang tahanan.

Photo credits: Sheena Halili | IG

“First morning in our home! Wala nang gaganda pa sa pagiging mommy. Kahit anong hirap, aminin natin, ang saya pag busog at sleeping na siya peacefully.”

Makikita nga na talagang nag-eenjoy si Sheena bilang isang ina. Bagama’t mahirap nga ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ng isang ina, ay hindi naman nito matutumbasan ay sayang dulot sa pag-aalaga ng anak. At ang makitang masaya at komportable ang anak, ay nakakapawi ng nararamdamang pagod, lalo na kung masisilayan sa kanilang maamong mukha ang isang matamis na ngiti.

error: Content is protected !!