Connect with us

Entertainment

Dating Going Bulilit Star na si Sharlene San Pedro, Ipinasyal ang mga Netizens sa kanilang Simple Ngunit Magandang Bahay

Si Sharlene San Pedro ay isa sa mga kilalang kabataang artista ng panahon nya. Isa din syang singer at VJ sa programa ng ABS-CBN na Myxz.



Unang nakita sa telivisyon si Sharlene noong sya ay apat na taong gulang palang ng sumali ito sa Star Circle Quest: Kids edition noong 2004, ngunit hindi sya pinalad na manalo ng first prize.

Kahit na ganun ay sunod sunod naman ang mga natatanggap na proyekto ni Sharlene. Madami na din itong ginawang teleserye at nakasama na din sa ibat ibang pelikula. Hindi tulad ng ibang artista, mas pinili ni Sharlene ang mamuhay ng simple kahit na kayang kaya nya namang bumili at manirahan sa mamahaling bahay.

Kamakailan lang ay pinasilip sa atin ni Sharlene ang kanyang munti at simpleng tahanan sa kanyang Youtube page. Di tulad ng ibang blogger na nagaayos o nagpapaganda bago magvideo, kabaliktaran naman nila si Sharlene na makikita mong nakarshirt at shorts lang. Hindi din ito masyadong nagayos, walang makeup o kahit anung kolerete sa mukha at ang pagkakaipit nya ng buhok ay kagaya ng mga normal na pagipit ng buhok ng isang babae.



Sa video ni Sharlene ay pinakita nya ang dati niyang kwarto na ngayon ay kwarto na ng kanyang mga magulang. Ayon kay Sharlene, siya ang may gusto na gamitin ng mga magulang nya ang kanyang kwarto dahil mas gusto nitong matulog at makihati sa kwarto ng kanyang mga kapatid.

Pagkatapos nyang ipakita ang kwarto ng kanyang mga magulang ay pinakita naman nya ang kwarto nilang magkakapatid. Sa hindi inaasahan nahagip sa video ni Sharlene ang magulong kama ng kanyang kapatid kaya naman ay agad nya itong inayos bago ituloy ulit ang pagvivideo.

Talagang makikita mo sa personalidad at pagkilos ni Sharlene na napakasimple nyang tao. Sa katunayang nyan hindi sya masyadong mahilig sa mga damit o gamit na sobrang pambabae at mas pinipili nyang magsuot ng snickers at flat shoes kesa sa sapatos na may takong.

Biglang naalala ni Sharlene at binahagi nya agad ito sa kanyang video na dati daw ay walang pintuan ang kanilang cr. Hindi naman nahiya si Sharlene ng sabihin nya sa video nya na sila lang ng mama nya ang naglilinis ng kanilang bahay dahil wala silang kasambahay.

Ipinakita din ni Sharlene ang isang bahay kung saan dito inaalagaan ng kanyang papa ang mga kabote at tinatawag nya itong Mushroom house.

Talaga namang nakakahanga ang ugali ni Sharlene, at pati narin ang mga magulang nya na nagpalaki sa kanya ng tama.



Sana maging inspirasyon si Sharlene sa lahat lalo na sa mga kabataan ngayon na wala ng alam gawin kundi ang bumili o magpabili ng mga kung anu anu nilang luho.

error: Content is protected !!