Kahit saang dako man tayo magtungo ay tiyak na makakakita tayo ng mga pananim kagaya ng prutas at gulay. Kaya naman, hindi maitatanggi na ang pagtatanim ay napakahalaga sa buhay natin at parte na ng ating pamumuhay. Kung kaya’t, kinakailangan na ang bawat isa sa atin ay may kaalaman tungkol sa pagtatanim nang sa gayon ay may pakikinabangan tayo pagdating ng pahanon.
Sabi nga nila “kung may itinanim may aanihin”, kaya naman ang beaty queen na si Shamcey Supsup ay hindi rin nagpahuli sa pagkakaroon ng kaalaman sa pagtatanim. Bukod sa pagiging beauty queen bilang 3rd Runner Up niya sa Miss Universe, nakahiligan na rin ni Shamcey ang pagtatanim at naglalaan talaga siya ng oras para rito.
Sa Instagram, ibinahagi ni Shamcey ang kanyang backyard farm sa kanilang bakuran kung saan makikita ang iba’t ibang klase ng mga gulay at pananim.
“You reap what you sow” LITERALLY!? prior to moving to Manila. Evertyhing is available on our backyard, from vegetables to fruits and even meat. I remembered we would only go to the Supermarkets, once a month,” saad ng beauty queen.
Napakalaking tulong para kay Shamcey ang pagkakaroon ng mga tanim na gulay sa kanilang bakuran, bukod sa nakakatipid sila sa pang-araw-araw na gastosin at hindi na kailangan pang magtungo sa palengke, nakakasigurado rin na ang gulay at prutas na kanilang kakainin ay tiyak na sariwa.
“Our backyard here may not be as big as the ones, at home but I’m still grateful we get to grow food. Our harvest from our little backyard farm became part of the 1000+ meals sent to our frontliners and essential workers thru @byahengbusog.” kwento pa nga ni Shamcey.
Samantala, ibinahagi naman ni Shamcey na ang ama niya ay isang farmer samantalang ang ina naman niya ay malaki rin ang pagmamahal at pagkahilig sa mga pananim.
Kaya naman, hindi maikakaila na nakuha ni Shamcey sa mga magulang ang kanyang kaalaman at pagkahilig rin sa mga pananim.
At kanya na nga itong nakalakihan at nakasanayan kung kaya’t, kahit na sa syudad naninirahan ay naglaan talaga siya ng sapat na espayo sa kanilang bakuran para sa kanyang mini farm upang doon itanim ang kanyang mga pananim na gulay.
Hinangaan ng mga netizens ang beauty queen sa kanyang inilalaang dedikasyon sa pagtatanim dahil kahit isa siyang kilalang personalidad ay may kaalaman siya sa mga pananim at kahalagahan nito.
At ngayong panahon ng krisis ay mas lalo namang natutunan ng bawat isa sa atin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga pananim sa bakuran dahil malaki ang naitutulong nito sa pang-araw-araw nating pangangailangan.