Serbisyong May Puso: Mayor Vico Sotto, Binigyang Solusyon ang Problema Sa Trabaho Ng Mga Tricycle Driver Sa Pasig

Talaga nga namang pagdating sa panunungkulan sa bayan nang may tamang diskarte at serbisyong may puso sa kanyang nasasakupan, nangunguna at palaging maaasahan ang Mayor ng Pasig na si Vico Sotto. Kaya naman, hindi nakapagtataka na siya ang bukam-bibig at hinahangaang Mayor hindi lamang ng mga mamamayan ng Pasig, kundi maging ng ibang lugar.




Matatandaan na naging isyu sa lungsod ng Pasig ang problema sa pagkawala ng trabaho ng mga tricycle driver dahil sa umiiral na enhanced community quarantine kung saan ipinagbawal ang pamamasada ng tricycle sa pagpapatupad ng social distancing upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 na isang suliranin na kinakaharap ngayon ng bansa.

Ngunit, sadyang napakapalad ng mga mamamayan ng Pasig sa pagkakaroon ng madiskarte at mapagmahal na Mayor na gaya ni Mayor Vico Sotto, dahil ang problema sa trabaho ng mga tricycle driver ay binigyang solusyon na ni Mayor Vico.

Upang bigyang solusyon nga ang suliranin ng mga tricycle driver at magkaroon ng mapagkakakitaan, nakipag-ugnayan si Mayor Vico sa isang food delivery service app na Food Panda kung saan ay nais ring mapalawak ang kanilang serbisyo.

Ang Food Panda ay naging katambal ang Pasig City Local Government sa paglulunsad ng kanilang bagong proyekto na “pandaTODA”, kung saan naglalayon na mapalawak ang kanilang serbisyo at higit sa lahat ay tulungan na magkaroon ng trabaho ang mga tricycle driver na nawalan ng hanap-buhay ngayong nasa gitna ng pandemic.

“As we all know, we are in a health crisis right now and a lot of our ‘kababayans’ are having a really hard time. One of the sectors that are really affected by this crisis is our tricycle drivers,”

ani Mayor Vico Sotto.

“In Pasig we have over 13,000 tricycle drivers. All of them have been hit by this crisis and a lot of them don’t know where to get their next meal from. With the help of Foodpanda, we will be able to help hundreds of tricycle drivers who have no source of income right now,”

dagdag pa ng Pasig City mayor .

Unang inilunsad noong nakaraang May 11 ang proyektong “pandaTODA” sa lungsod ng Maynila at hindi naman pinalampas ng City Hall ng Maynila ang pagkakataong makipagtulungan sa Food Panda sa kanilang proyekto. At ngayon nga, ang lungsod naman ng Pasig ang nakipagtulungan sa proyekto upang matulungan ang mga mamamayang tricycle driver kung saan mahigit 500 riders ang inaasahang mabibiyayaan ng trabaho ng Food Panda.

“All the tricycle drivers who will be recruited will undergo training to ensure the highest standards of safety protocol and contactless delivery system. As part of the partnership, they will be provided with uniforms and thermo bags, free of charge. We hope that we will be able to help ease their burden of providing for their families during this difficult time,”




ani Daniel Marogy, Managing Director for Philippines ng foodpanda.

“We hope that we will be able to help ease their burden of providing for their families during this difficult time. We are honored to take part in the initiatives of the Pasig City government to provide secure, safe, and sustainable livelihood for its constituents,”

dagdag pa ni Marogy.

Ngunit, kapag natapos naman na ang enhanced community quarantine, bibigyan ng pagkakataon ang mga tricycle driver na mamili kung nais nilang ipagpatuloy ang trabaho sa food panda o kaya naman ay itigil na ito at bumalik na lamang sa pamamasada.