Connect with us

Entertainment

Senator Manny Pacquiao, Masayang Nagdiwang ng Kanyang ika-42 Taong Kaarawan Kasama ang Kanyang Pamilya at mga Kaibigan sa Gensan

Nito lamang ika-17 ng Disyembre, araw ng Huwebes, ay panibagong taon na naman ang nadagdag sa buhay ng Pambansang Kamao at Senador na si Manny Pacquiao. Ito nga ay dahil, sa espesyal na araw na ito ay 42 taong gulang na ang Senador.

Isang masayang selebrasyon ang naganap sa Gensan na binigyang kulay at saya ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Ang maybahay ni Sen. Manny na si Jinkee Pacquiao, ay hindi pinalampas ang pagkakataong ipasilip ang masayang selebrasyon sa pagdiriwang ng kaarawan ni Sen. Manny.




Sa Instagram, makikita sa mga larawang ibinahagi ni Jinkee na masayang-masaya ang bawat isa. Kapansin-pansin rin na marami ang dumalo sa okasyon, ngunit paglilinaw naman ni Jinkee sa caption ng kanyang post, ay nakasuot ang lahat ng facemask bilang pag-iingat.

“Manny @ 42. God is good! Naka-face masks po lahat ang friends and family.”

Samantala, ang broadcaster namang si Dyan Castillejo ay may pasilip rin sa naging selebrasyon ng kaarawan ni Sen. Manny. Sa Instagram, ibinahagi ni Dyan ang ilang videos, kung saan makikitang sinurpresa ng kanyang pamilya at mga kaibigan si Sen. Manny sa kanilang tahanan pagpatak ng alas dose upang batiin at kantahan ng Happy Birthday.

Mapapanood rin sa video na bago hipan ni Sen. Manny ang kandila sa kanyang cake, ay ipinahayag nito ang kanyang pasasalamat.

Saad ng Pambansang Kamao,“Thank you, Lord, for the blessings and good health.”

Hindi rin nakaligtaan ng Senador na ibigay ang kanyang kahilingan para sa kanyang kaarawan. At ang tanging nais nga ni Sen. Manny ay kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

“Peace and prosperity in this country,”hiling ng Pambansang Kamao.

Samantala, sa hiwalay na post, bago pa man idaos ang selebrasyon ng kaarawan ni Sen. Manny, ay nagpaabot ng isang sweet na mensahe bilang pagbati si Jinkee para sa kaarawan ng kanyang asawa. Ayon nga rito, ay napakapalad niya bilang asawa ng isang “Man of God”, na taglay ang isang mabuting puso. Hiling naman ni Jinkee para sa asawa, ay nawa’y mas lalo pa itong pagpalain ng Diyos.




“Happy, happy birthday, Man of God, my babe! I’m a blessed wife because I have a husband with a rich and golden heart. May God bless you more with His boundless love, calming peace, wisdom, knowledge, and heavenly joy. We love you so much.”

Tunay nga na napakasaya ng naging selebrasyon ng pagdiriwang ng kaarawan ni Sen. Manny sa piling ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Napakapalad rin ni Sen. Manny dahil marami ang taong nagmamahal sa kanya, bagay na karapat-dapat lamang dahil sadyang napakabuti rin niyang tao.

error: Content is protected !!