Connect with us

Entertainment

Seksing Aktres na si Ivana Alawi, Ipinasilip ang Kanyang Panandalian Ngunit Masayang Travel Sa Cebu

Matapos ang halos dalawang taon ay muling nasubukan ng napakaganda at seksing aktres na sa Ivana Alawi na sumakay ng eroplano para lumipad patungong Cebu para sa kanyang trabaho. At tila nga namiss ni Ivana ang muling makabiyahe sakay ng eroplano.

Kahit nga trabaho ang pakay ni Ivana sa kanyang trip sa Cebu, ay hindi naman pinalampas ng aktres at sikat na vlogger na sulitin ang sandali at mag-enjoy.

Nito lamang ika-5 ng Agosto, ay ibinahagi ni Ivana sa kanyang YouTube channel ang kanyang vlog na naglalaman ng kanyang panandalian ngunit masayang trip sa Cebu. Kasama ni Ivana ang kanyang kapatid na si Hashim at assistant na si KC, pati na rin ang kanyang hair stylist na si Aryan, road manager na si Kuya Pao, at siyempre kasama rin ang photographer at editor ni Ivana na si Jeff.

Photo credits: Ivana Alawi | Vlog

Magmula sa airport hanggang sa makarating sila sa kanilang destinasyon ay masayang ipinasilip ni Ivana sa kanyang vlog ang mga kaganapan. Ibinahagi naman ni Ivana na madalas siyang pumunta sa Cebu, ngunit dahil nga sa pandemya ay ngayon lang ulit niya nabisita ang napakagandang lugar. Ibinahagi naman ni Ivana na nagmula sa Cebu ang kanyang ina, kung kaya’t maituturing rin na sila’y mga Bisaya.

Photo credits: Ivana Alawi | Vlog

Photo credits: Ivana Alawi | Vlog

Photo credits: Ivana Alawi | Vlog

Ilan naman sa magagandang lugar na kanilang binisita ay ang Safari farm at resort na talaga namang taglay ang magagandang tanawin. Hindi naman inaasahan ng mga tagahanga ni Ivana na sa kanyang latest vlog na “Trip to Cebu”, ay makakasama rin niya ang model-actor na si Daniel Matsunaga at ang aktres na si Daiana Menezes.

Photo credits: Ivana Alawi | Vlog

Photo credits: Ivana Alawi | Vlog

At kahit nga trabaho ang pakay ni Ivana sa kanyang trip, ay kitang-kita naman na enjoy na enjoy sila sa kanilang bonding moments habang nasa beach. Makikita nga na masayang-masaya ang assistant ni Ivana na si KC matapos makasama sa jetski si Daniel, at nakayakap pa ito ng mahigpit sa aktor. Samantalang si Daiana naman ay ipinamalas ang angking kaseksihan sa kanyang suot na white two piece swimsuit. Bagama’t nakitang magkasama sina Daniel at Daiana ay agad namang nilinaw ni Ivana, na magkaibigan lamang ang dalawa.

Photo credits: Ivana Alawi | Vlog

Kapansin-pansin naman ang suot na damit ni Hashim. Ito ay hiniram ni Hashim na malaking tshirt ni Ivana at ang suot naman niyang short ay kay Jeff. Ayon nga kay Ivana ay nawala umano ang bagahe ni Hashim kung kaya’t humiram na lamang ito sa kanila. At kahit nga nasa beach ay makikitang nakasuot pa ng sapatos si Hashim.

Photo credits: Ivana Alawi | Vlog

Sa huling bahagi naman ng video kung saan makikitang nakabalik na sila sa Maynila, ay ipinakita naman ni Ivana ang mga nabili niyang pasalubong para sa kanyang Mama Alawi at sa kapatid niyang si Mona. Ilan nga sa mga ito ay dried fish, pusit, at dried mango, at marami pang iba. Makikita naman na tuwang-tuwa ang kanyang ina sa napakaraming dalang pasalubong ni Ivana.

Photo credits: Ivana Alawi | Vlog

Pinasalamatan rin ni Ivana sina Daniel at Daiana na kanyang nakasama sa kanyang panandalian ngunit masayang trip sa Cebu.

error: Content is protected !!