Connect with us

Entertainment

Seksing Aktres na si Arci Muñoz, Pinasaya ang Isang PWD na Tagahanga Matapos Bisitahin Nang Personal sa Isla ng Siargao

Marami ang humahanga sa angking kagandahan ng aktres na si Arci Muñoz na maihahalintulad nga sa isang dyosa. Ang kanyang maganda at maamong mukha, ay talaga namang nakakabighani. Idagdag pa nga rito ang kanyang magandang hubog ng katawan na talaga namang napakaseksi.

Credit: Arci Munoz | Instagram

Samantala, hindi naman maikakaila na isang certified beach lover si Arci kung saan nga ay hilig ang magtungo sa magagandang beach sa bansa. At madalas nga nating masilayan ang taglay na kagandahan at kaseksihan ni Arci sa kanyang mga kahanga-hangang beach photos.

Makikita sa social media ni Arci na talaga namang inienjoy niya ang kanyang bakasyon sa bawat beach destination na kanyang pinupuntahan. At para nga sa kanyang bagong bakasyon, ay dinayo ng seksing aktres ang kilalang surfing capital ng Pilipinas, ang Siargao na matatagpuan sa probinsya ng Surigao del Norte.

Credit:Facebook | Image

At masisilayan sa Instagram page ni Arci na talagang enjoy na enjoy siya sa simple ngunit napakasayang buhay sa isla. May isang larawan nga kung saan makikitang may kasamang ilang alagang aso sa isla si Arci, at nakikipagkulitan pa siya rito na tinawag pa niyang “island buddies”.

Caption naman ng aktres sa kanyang post,“Island buddies. Sooo many reasons to smile.”

Credit:Facebook | Image

Naging sunod-sunod naman ang pagpost ni Arci sa social media ng kanyang mga hot photos, habang suot ang kanyang mga seksing swimsuit na nagpalitaw sa kanyang napakaseksing katawan. Sa suot niyang black swimsuit ay talaga namang masisilayan ang napakagandang hubog ng kanyang katawan. Makikita rin na maliban sa magandang view, ay hindi rin nakaligtaan ni Arci na magpapicture sa mga makukulay na surfboards na makikita sa isla.

Ngunit, hindi lamang kaseksihan ang ipinamalas ni Arci, at hindi lang magandang view ang kanyang naenjoy dahil makikitang enjoy na enjoy rin ang aktres na nakisalamuha sa mga taong tagaroon o residente sa isla. At dahil nga isang sikat at kilalang aktres, ay may tagahanga rin si Arci sa isla kung kaya’t isang nakakatuwang kaganapan ang kanyang ginawa habang siya’y nasa bakasyon.

Credit: Arci Munoz | Instagram

Ito nga ay matapos bigyang kasiyahan ni Arci ang isa niyang tagahanga na PWD na kung saan ay binisita niya nang personal. Hindi nga akalain ng tagahangang ito ni Arci na nagngangalang Kuya Abeng na makikita niya sa personal ang kanyang idolo kaya naman labis ang kanyang kaligayahan.

Sa Facebook ay ibinahagi ng netizen na si Espino Daposala Dexter ang larawan nang pagbisita ni Arci kay Kuya Abeng. At makikita nga ang masayang ngiti ni Kuya Abeng habang kaharap na niya ang iniidolong aktres. Makikita naman na may dalang isang bugkos ng bulaklak si Arci para ibigay sa kanyang tagahanga.

Credit: Arci Munoz | Instagram

Dahil sa ipinakitang kabutihan at pagpapahalaga ni Arci sa kanyang tagahanga, ang larawa nilang ito ay agad na nag-viral sa social media kung saan ay humakot ng paghanga at positibong komento si Arci.

Ayon nga sa mga netizens ay hindi lamang magandang mukha at seksing katawan ang taglay na magandang katangian ni Arci, dahil taglay rin niya ang napakabuting puso na handang magbigay saya sa mga taong nakapaligid sa kanya at kanyang mga tagahanga.

error: Content is protected !!