Connect with us

Funny

Seksi Aktres at Vlogger na si Ivana Alawi, Kinagiliwan ng mga Netizens Matapos Iprank ang Kanyang Ina sa Vlog na “Braces Prank”

Marami ang nabibigyan ng saya ng seksi aktres at vlogger na si Ivana Alawi sa kanyang mga nakakaaliw na videos na mapapanood sa kanyang YouTube Channel. Isa si Ivana sa pinakasikat at pinakamaraming subscribers sa kanyang YouTube Channel. Maliban nga sa kanyang angking kagandahan at magandang katawan, hinahangaan rin kay Ivana ang kanyang kabutihang loob at pagmamahal sa kanyang pamilya.

Pagdating naman sa pagbibigay saya sa kanyang mga tagahanga, ay kadalasang tampok sa kanyang vlog ang pag-prank sa kanyang pamilya. Ang kanyang Mommy, kapatid na si Mona at Kuya Hashim ay nagawa na niyang iprank na talaga namang nakakatuwa ang mga naging reaksiyon.




At ngayon nga, sa latest vlog ni Ivana, muli na namang binigyang kaligayahan ng vlogger ang kanyang mga tagahanga matapos niyang i-prank ang kanyang ina na nagpalagay siya ng braces. Ang kanyang Kuya Hash ay totoo na nagpalagay ng braces, samantalang si Ivana ay nagpaayos ng kanyang pasta, at nagpahanda rin ng braces na pwedeng alisin matapos iprank ang kanyang Mommy.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Dahil nga sa kumakalat na sakit ay sinigurado ni Ivana na safe sila ng kanyang Kuya Hash, sumailalim sila sa swab test at nang lumabas ang negative na resulta, ay nagtungo na sila sa CAD clinic na kung saan ay sinunod rin ang safety protocols.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Nang makabit na nga ang braces ni Ivana, ay tila totoong brace nga ito. Pagdating naman sa kanilang tahanan ay agad sinimulan ang prank sa kanyang ina, at upang maging makatotohan ang prank ay isinama narin ni Ivana ang kanyang bangs, dahil ayaw rin ng kanyang Mommy na may bangs siya.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube




Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sinimulan nga ang prank sa bawal tumawa challenge habang nanonood sila ng mga nakakatawang mga videos. At upang mas nakakatawa, ay uminom sila ng tubig para agad malaman kung sino ang tumatawa sa kanila.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sa una ay hindi pa nahahalata ng Mommy ni Ivana ang brace niya dahil hindi pa siya nagsasalita at puro sign language lang ang ginagawa. Ngunit, nang biglang tumawa si Ivana na kitang-kita ang brace sa harap ng kanyang ina, ay bigla na lamang nitong naibuga ang tubig sa bibig.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

At tulad nga ng inaasahan ni Ivana, ay nagalit ang kanyang ina at pinangaralan siya. Tila naman totoong-totoo ang acting ni Ivana sa pagkakaroon niya ng braces at nagkunwari pang nahihirapan sa pagsasalita. Sa galit at inis ng Mommy ni Ivana ay bigla nalang itong nag-walk out.




Ipinaliwanag naman ni Ivana kay Mona na hindi totoo ang kanyang brace at natatanggal naman ito. Ayon nga kay Ivana, ay nais niya lang talagang iprank ang kanyang Mommy.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Dahil nga, hindi sumasagot sa tawag ni Mona ang ina matapos mag-walk out ay sinundo na ito ni Hashim. Bilang paghingi naman ng tawad sa ginawa, naghanda pa ng peace offering na ice cream si Ivana.

Ngunit, ayaw paring makipag-ayos ng ina ni Ivana, hanggang sa tinawag na ni Ivana si Doc Lito na nagkabit ng kanyang braces upang ipakausap sa kanyang ina. Matapos makausap ang doctor, ay ibinunyag na ni Ivana sa kanyang ina ang lahat at binigkas ang “It’s a prank”. Hindi naman agad ito naniwala dahil nga braces ang inilagay ni Ivana sa kanyang ngipin. Saka lamang ito naniwala ng ipakita at tanggalin ni Ivana ang braces. Ngunit, sa halip na matawa sa ginawang prank ni Ivana, ay nakatikim pa silang magkakapatid ng sermon mula rito.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Marami na naman sa mga netizens ang naaliw sa prank na ito ni Ivana sa kanyang ina. At magmula nga nang ibahagi niya ang video sa kanyang Youtube Channel noong September 26, ay umabot na ito ng mahigit 3M views sa loob lamang ng isang araw.

error: Content is protected !!