Connect with us

Showbiz

Silipin ang Naging Masayang Bakasyon ni Scarlet Snow Kasama ang kanyang mga Magulang sa Napakagandang Bansa ng Paris

Ang child sensation na si Scarlet Snow Belo ay ipinagdiwang ang kanyang kaarawan nitong ika-3 ng Marso taong 2022. Si Scarlet ay anak ng mag-asawang Haiden Kho at Vicki Belo, kaya naman hindi na nakapagtataka kung madalas pag-usapan ng publiko ang cute at bibong bata.

Photo credits: Scarlet Snow Belo | IG

Matatandaan nga na kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang larawang iginuhit ni Scarlet at hinangaan ng nakakarami. Taglay ng batang si Scarlet ang mga katangian ng kanyang mga magulang mula sa pisikal na kaanyuan, mabuting kabutihang loob at talento. Kapansin-pansin ang kagandahan ni Scarlet at taglay na talino nito kaya’t marami na ang kanyang tagahanga sa murang edad.

Photo credits: Scarlet Snow Belo | IG

Kung iisipin, ay napakaswerte magkaroon ng parehas na successful na mga magulang katulad ni Hayden at Vicki. Kaya’t naman nararanasan ni Scarlet ang marangyang buhay subalit ang bata ay nanatiling mapagkumbaba. Hindi naman nawawala ang kanilang family bonding, at isa nga sa madalas nilang gawin ay magtravel abroad.

Photo credits: Scarlet Snow Belo | IG

Nitong ika-8 ng Abril lamang, ay lumipad si Scarlet kasama ang kanyang mga magulang patungo sa Europe. Sa Instagram post ni Scarlet masaya niyang ibihagi ang excitement na nararamadam. At sa nasabing post l naisulat ni Scarlet ang katagang:

“We’re going on a trip and I’m so excited. Daddy and Mommy have been traveling and I often left behind (kasi I have school and I don’t want to be absent). Next week we get a break so …. Paris here I come.”

Sa kanilang paglapag sa napakaganda at historical na bansang Europe, ay agad nilang nilibot ang mga naggagandahang tourist spot ng lugar. Kumain rin sila sa sikat at mamahaling restaurant. Makikita sa mga larawang naka-post sa Instagram ni Scarlet kung gaano naging memorable at kung gaano naging masaya ang cute na bata sa kanilang bakasyon sa Europe.

Photo credits: Scarlet Snow Belo | IG

Ang Museum of Chocolate ang pinuntahan ng mag-inang Scarlet at Vicki kung saan maliban sa pagkain ng mga tsokolate ay may aral pang matutunan tungkol sa kasaysayan ng iba’t ibang uri tsokolate. Ang pagbisita nila sa museum ay isang karanasang hindi malilimutan at may panibagong kaalaman na baon pauwi ang cute na batang si Scarlet maliban sa tsokolate. Ayon pa sa isang Instagram post ni Scarlet na may caption na:

“ We visited the museum of chocolate today. Mommy loved learning about the history of chocolates, while me… well… I love eating the chocolates!”

Photo credits: Scarlet Snow Belo | IG

Ang pagkakaroon ng marangyang buhay ay pinaghihirapan, at ang maginhawang buhay ay pinagtratrabahoan. At bilang magulang ang nais natin ay maibigay ang mga pangangailangan ng mga anak o higit pa rito kung maari kagaya nang ipinalamas ng mag-asawang Hayden Kho at Vicki Belo.

Kasabay nang pagbibigay sa kung ano ang nais at kailangan ng anak ng mag-asawang Kho ay hindi nila malilimutan ang pagpapangaral sa anak na si Scarlet. Nanatiling mapagkumbaba si Scarlet sa kabila ng kasikatan,taglay na kagandahan, talento at talino. Nais rin nitong mas lumawak pa ang kaalaman sa mga bagay-bagay.

error: Content is protected !!