Connect with us

Entertainment

Sarah Lahbati, Ipinasilip ang Masayang Family Camping ng Kanyang Pamilya sa Bulod Campsite

Sa kabila ng paghihiwalay ng ilang celebrity couples sa showbiz, ay tila hindi naman natitinag ang pagmamahalan ng mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. Sa paglipas nga ng maraming taong pagsasama, ay mas lalong naging matatag at tumibay ang pagsasama nilang dalawa kapiling ang kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.

Matatandaan na unang nakilala ng publiko si Sarah matapos maging kalahok ng 5th season ng reality talent show na StarStruck kung saan ay naging host ang kanyang asawang si Richard. Ngunit, mas nagkakilala ang dalawa matapos magkasama sa isang proyekto at dito nga nabuo ang kanilang matamis na pag-iibigan.

At magbuhat nga ng makasama ni Richard si Sarah, at bumuo ng kanilang masayang pamilya, ay walang pinalampas na sandali ang aktor para pasayahin at iparamdam sa kanyang asawa ang kanyang labis na pagmamahal.

Kaya naman, hindi nakapagtataka kung isa sila sa inspirasyon ng marami pagdating sa pagkakaroon ng isang masayang pagsasama at pamilya. Kitang-kita naman sa mga larawan na ibinabahagi sa kanilang social media account, na talagang nag-uumapaw ang pagmamahal ni Richard kay Sarah.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Ilang ulit nang nasaksihan ng madla kung paano surpresahin ni Richard ang kanyang napakagandang misis. At sa pagdiriwang nga ng kanyang kaarawan, ay tiniyak ng aktor mapapasaya niya si Sarah sa surpresang kanyang inihanda. Ang kanilang pamilya ay nagkaroon ng “family camping” sa Bulod Campsite kasama ang kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Ngunit, maliban dito ay nakatanggap rin isa pang bonggang surpresa na 2021 Sarge Green Wrangler JL Rubicon na SUV Jeep si Sarah dahilan upang mas lalong mapahanga ni Richard ang publiko. At ang napakagandang sasakyan na ito na talagang swak na swak sa kanilang biyahe off road, ay agad ngang sinubukan sa kanilang trip nang sila’y magkaroon ng family camping.

Nang gamitin na nga nila ang bagong sasakyan ay makikita nga sa mga larawang ibinahagi ng aktres sa social media, na talagang nag-enjoy sila sa kanilang family camping. Maliban sa mga larawan, ay ibinahagi ring video ang aktres kung saan masisilayan ang masayang bonding ng kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Makikita masayang-masaya ang magkapatid na Zion at Kai na makita ang ganda ng tanawing nasa kanilang kapaligiran. Si Richard naman ay makikitang abala sa pagtatayo ng kanilang tent. Agaw pansin rin ang nag-uumapaw na kasweetan ng mag-asawang Sarah at Richard sa ilang kuha ng mga larawan.

Maliban sa bagong sasakyang regalo ni Richard kay Sarah, ay makikita na gamit rin nila sa kanilang getaway ang pagmamay-aring Jeep Gladiator ni Richard.

Napakasarap naman talagang magrelaks sa isang lugar na tahimik, may sariwang hangin at taglay ang napakagandang tanawin kasama ang pamilya. Kaya naman, para nga kay Sarah ang mga masasayang alaala kasama ang kanyang pamilya, kailanman ay hindi niya makakalimutan.

“These memories will stay with me”.

error: Content is protected !!