Connect with us

Entertainment

Sarah Lahbati, Ibinahagi ang Masayang Pagdiriwang ng Ika-4Th Birthday ng Bunsong Anak Na Si Kai

Isang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang bunsong anak na si Kai ang makikitang ibinahagi ng aktres na si Sarah Lahbati sa kanyang social media account nito lamang nakaraang ika-21 ng Marso ng kasalukuyang taon.

Tunay namang napakabilis lumipas ng panahon, dahil ang bunso ngang anak ni Sarah Lahbati at ng mister niyang si Richard Gutierrez na si Kai ay tumuntong na sa ika-4 taong gulang niya, kung saan ito nga ang edad na mas aktibo sila bilang isang bata.

Photo credits: Sarah Lahbati |IG

Sa ibinahaging mga larawan ni Sarah sa kanyang Instagram account, ay makikita nga na isang birthday party ang kanilang inihandang preparasyon para sa pagdiriwang ng ika-4 na taong gulang ng bunsong anak.

Makikita rin na ang naging tema ng birthday party na ito ni Kai ay ‘PJ Mask’, kung saan ayon sa ulat ito nga ang paboritong show ng naturang bagets.

Photo credits: Sarah Lahbati |IG

“Happy fourth birthday to our (not so) little ray of sunshine, bubba Kai. We’re so lucky and blessed to have you in our lives,” ang naging saad ni Sarah sa kanyang captions sa naturang mga larawan.

Siyempre hindi naman mawawala sa pagdiriwang na ito ang mga bisita na siyang nakisaya nga sa pamilya para sa nasabing okasyon. Ilan nga sa mga dumalo sa 4 th birthday party na ito ng anak na bunso nina Sarah at Richard na si Kai, ay ang kanilang mga kaibigan at kapamilya, kasama na nga ang Gutierrez showbiz clan.

Photo credits: Sarah Lahbati |IG

Wala naman umano sa nasabing pagdiriwang ang mister ni Sarah na si Richard, dahil sa kasalukuyan nga ay nasa lock-in taping ang aktor sa kinabibilangan niyang serye na ang “FPJ’s Ang Probinsyano” , ang longest-running primetime series ng ABS-CBN.

“We missed dada a lot this year as he is currently working but looking forward to being complete soon,” ang naging pahayag ni Sarah.
Kitang-kita naman sa ibinahaging larawan ni Sarah ang kasiyahan ng anak niyang si Kai pagdiriwang nito ng kaarawan.

Photo credits: Sarah Lahbati |IG

Maliban kay Kai na nagdiriwang nga ng kaarawan, ay may isa pang anak ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez at ito nga ay ang panganay nilang anak na si Zion, na magdiriwang naman ng kanyang ika-6 taong gulang na kaarawan ngayong darating na buwan ng Abril.

Photo credits: Sarah Lahbati |IG

Ang mag-asawang Sarah at Richard ay ikinasal noong buwan ng Marso taong 2020 sa isang civil wedding ceremony. Isang simpleng kasalan lamang ang naganap dahil sa ng mga panahon na ito ay kasagsagan pa ng pandemya sa bansa. At noon ngang unang linggo ng buwan ng Marso, ay ipinagdiwang ng mag-asawa ng ika-2 taong anibersaryo nila bilang mag-asawa.

error: Content is protected !!