Connect with us

Entertainment

Sarah Lahbati, Hindi Nakapagsalita sa Labis Na Kaligayahan Matapos Surpresahin ng Kanyang Asawang si Richard Gutierrez Ng Bagong Sasakyan

Masayang-masaya ang aktres at celebrity mom na si Sarah Lahbati matapos matanggap ang hindi inaasahang surpresa mula sa kanyang asawang si Richard Gutierrez. Hindi lamang nga isang butihin at responsableng ama sa kanyang mga anak ang aktor na si Richard, kundi isa ring mapagmahal at napakasweet na mister sa kanyang misis.

At kamakailan lamang nga, muling pinatunayan ni Richard ang kanyang pagmamahal at pagiging sweet sa kanyang asawang si Sarah. Kahit nga, ilang taon na ang lumipas ay hindi naman nawawala ang tamis sa pagmamahalan ng mag-asawa.

Hindi nga maipinta ang kaligayahang nadarama ni Sarah sa surpresang inihanda para sa kanya ni Richard na isang napakaganda at bagong sports utility vehicle (SUV) dahilan nga para siya’y maging speechless.

Masayang ibinahagi ni Sarah sa kanyang Instagram ang ilang kuha ng larawan kung saan makikita ang napakaganda at bagong SUV. Sa isang larawan, ay makikitang nakaupo si Sarah sa harapang bahagi ng SUV habang masaya ang pagkakangiti sa harap ng camera. Makikita naman na ang surpresang SUV ni Richard ay nilagyan niya ng kulay pink na ribbon sa harapan.

Samantala, sa caption naman ng kanyang post ay labis naman ang pasasalamat ni Sarah kay Richard.

“I’m not one to ask for material things (doesn’t mean I don’t enjoy them). I enjoy working hard for what I want. richardgutz, I’m speechless,” saad ni Sarah.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Tila nga isang reyna kung ituring ni Richard ang kanyang mahal na asawa na si Sarah, kaya naman hindi rin nakakapagtaka kung abot langit ang pasasalamat ni Sarah sa pagkakaroon ng asawang gaya ni Richard.

“I’m grateful to you for a lot of things, for this insane surprise… but mostly for your unconditional love, through ups and downs.”

Sa huling bahagi naman ng kanyang post ay ipinahayag ni Sarah ang kanyang labis na pagmamahal sa kanyang asawa.

Matatandaan naman na dalawang linggo na ang nakakaraan nang masayang magdiwang ng kanyang kaarawan si Sarah, kung saan nga ay nagcamping sila ng kanyang pamilya sa Tanay, Rizal. At ito nga, ay tinawag ng aktres na “epic and magical celebration”.

“Can’t even begin to find the words to describe how epic and magical last weekend was… from bumpy and muddy roads to fresh air, mountains and rivers.”

Nag-enjoy naman talaga si Sarah sa iba’t ibang aktibidad na kanilang ginawa tulad na lamang nga ng bonfire sa gabi, horseback riding sa tabi ng ilog, swimming, at isang cozy place kung saan nga ay pinagsaluhan nila ng kanyang asawa ang kanilang sweet moments together.

Ang matamis na pagmamahalan nina Richard at Sarah na ngayon ay isang taon nang nagsasama bilang mag-asawa matapos maikasal noong nakaraang taon buwan ng Marso, ay biniyayaan ng dalawang lalaking anak. At kanilang mga gwapong anak, na sina Zion at Kai ang siyang nagbibigay saya at kulay sa kanilang pamilya. Taong 2017 nang maengaged sina Richard at Sarah, at noong Marso 2020 nga ay naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa gitna ng pandemya.

error: Content is protected !!