Connect with us

Entertainment

Sarah Geronimo, Pinag-uusapan Ngayon Sa Social Media Kung Buntis Nga Ba Dahil Sa Umanoy Mini Baby Bump Nito

Hindi nga nakaligtas sa matalas na mata ng mga netizens ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. At ngayon nga ay pinag-uusapan ng mga Marites ng social media na buntis umano ang singer matapos lumitaw ang hinihinalang baby bump nito.

Photo credits to the owner

Bago magtapos ang taon ay hindi pinalampas ng asawa ni Sarah na si Matteo Guidicelli ang pagkakataon na magkaroon pa sila ng masayang alaala. At sa Instagram account nga nito ay ibinahagi niya ang isang post kalakip ang mga sweet photos nila ni Sarah na kuha kasabay ng sunset.

Photo credits to the owner

Ang mga larawan ay napakagandang pagmasdan dahil sa magandang tanawin na hatid ng paglubog ng araw.
Base naman sa mga larawan ay nasa isang bakasyon sila kasama ang pamilya ni Matteo dahil makikita rin sa background ng ilang larawan ang isang malawak na lawn.

“Grazie 2021!! Looking forward for an awesome 2022 for everyone!!,”caption ni Matteo sa kanyang post.

Ngunit, hindi nga nakaligtas sa mga netizens ang larawan ni Sarah habang nakasuot ng floral fitted dress na sinasabing buntis raw ito dahil sa mistulang nakaumbok nitong baby bump. Dahil dito, ay agad ngang inakala ng mga “Marites” na buntis ang Popstar Royalty.

Photo credits to the owner

Samu’t saring reaksyon naman ang natanggap ni Sarah mula sa mga netizens. May ilang tagasuporta ng AshMat ang natuwa at agad na naexcite kung sakali mang buntis nga ang kanilang idolo dahil mabibiyayaan na ang kanilang pagsasama ng sanggol.

“prang me mini bump.”

“If buntis si ms Sarah maganda regalo yun ng diyos.”

May ilan naman na kinontra ang hula na buntis si Sarah at sinabi na busog lamang ito dahil napadami ang kain noong nagdaang holiday season.

“Baka naman busog lang dahil madaming handa noong pasko at bagong taon? Yaw ko na lang magtalk baka magalit si Mommy Divine.”

Sa ngayon ay tahimik pa ang mag-asawang Sarah at Matteo patungkol sa isyu ng mga netizens. Matatandaan naman na hindi ito ang unang beses na napabalitang buntis si Sarah magmula nang ikasal sila ni Matteo.

Photo credits to the owner

Matatandaan na naging kontrobersyal ang kasalang Sarah at Matteo noong Pebrero 20, 2020 matapos ang hindi inaasahang pagdalo ng ina ni Sarah na si Mommy Divine sa kanilang secret wedding kung saan nga ay nanggulo ito. Ang kanilang Christian wedding ay naganap sa Victory Church, The Fort kung saan ay pinangunahan ni Senior Pastor Paulo Punzalan.

Photo credits to the owner

Magmula naman ng ikasal ang mag-asawang Sarah at Matteo ay talaga namang hindi na sila nagpaawat sa paghahatid ng kilig sa kanilang mga tagahanga. Kitang-kita nga sa mga larawang ibinahagi ng celebrity couple sa social media ang kanilang kasweetan at labis na pagmamahal sa isa’t isa.

error: Content is protected !!