Connect with us

Entertainment

Sarah Geronimo, Masayang Nagdiwang ng kanyang 32nd Birthday Kasama ang Napaka-sweet niyang Asawang si Matteo Guidicelli

Published

on

Ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang isa sa hinahangaang celebrity couple sa industriya ng showbiz. Ang mag-asawa nga ay talagang kinakikiligan ng kanilang mga tagahanga dahil sa ipinapamalas na pagmamahal sa isa’t isa.




Limang buwan na nga matapos ang kanilang pag-iisang dibdib ay mas lalo pa nilang nakikilala ang isa’t isa. Hindi man natuloy ang kanilang honeymoon dahil nga sa ipinapatupad na quarantine ay kanila namang na-enjoy ang presensya ng bawat isa sa loob ng kanilang tahanan. At sa bawat araw ngang sila’y magkasama, napatunayan nga ni Matteo kung gaano siya kaswerte kay Sarah dahil sa sobra nitong mapagmahal at maalagang asawa. Kaya naman, bilang ganti ay sadyang napakasweet ring asawa ni Matteo kay Sarah na talagang mababakas ang pagmamahal nito sa singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on

At kamakailan nga, sa pagdiriwang ng ika-32nd Birthday ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ay mas lalo pa nilang pinakilig ang kanilang mga tagahanga dahil spotted ang pagiging sweet ni Matteo kay Sarah.

Sa ika-32nd Birthday ni Sarah ay nagtungo ang mag-asawa sa mamahaling resort ng Amanpulo sa Palawan kasama sina Dra. Vicki Belo, Dr. Hayden Kho at kanilang napakacute na anak na si Scarlet Snow.




Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Sarah, ay mas pinili ng singer na maging makabuluhan ang kanyang espesyal na araw kung saan ay nagpasya siyang magtanim ng puno ng niyog kasama ang asawang si Matteo. At ang pagiging sweet nga ni Matteo kay Sarah ay na-ispatan. Makikita nga sa larawang ibinahagi ni Dra. Vicki Belo, na matapos maitanim ang puno ng niyog ay humalik pa si Matteo sa pisngi ni Sarah. Samantalang si Sarah naman ay mababakas ang labis na kaligayahan sa kanyang mukha na nakatodo ang ngiti.

“Happy birthday @justsarahgph . Thank you @matteog for kissing your wife for us. Now, they planted a coconut tree together that will bear fruit for years to come. May God bless you always and keep you safe.”

Banat naman ni Matteo kay Hayden Kho, nang tanungin ang aktor kung tig-isang puno ba ang itatanim nila, saad naman nito na talaga namang umaapaw sa ka-sweetan: “No, Together na lang kami, doc. We’re one na e.”

Samantala, ang napakacute namang si Scarlet Snow ay nagbahagi rin ng larawan ng mag-asawa kung saan makikitang nakahalik sa pisngi ni Sarah si Matteo ngunit sa pagkakataong ito ay hindi gaanong makita ang paghalik ng aktor dahil sa nakaharang na dahon. Ang larawang ito ay nilakipan naman ni Scarlet ng isang nakakatuwang caption na excited na din sa magiging babies ng mag-asawa.




“Not for my eyes!🙈 Happy birthday, ate @justsarahgph! I love you so much! I wish we were neighbors so I could visit you everyday and be bestfriends with your future babies!”

Talaga namang nakakakilig sina Matteo at Sarah sa kanilang ipinapakitang pagmamahal sa isa’t isa. At ang kaarawan ni Sarah ay naging makabuluhan rin dahil ang punong itinanim nilang mag-asawa ay simbolo ng kanilang wagas at tunay na pagmamahal sa isa’t isa.

Happy Birthday Sarah G!

error: Content is protected !!