Connect with us

Entertainment

Sarah Geronimo, Gumastos ng Halagang P1.5 Million Para sa Nakakamanghang Set ng Kanyang Buwis Buhay Production Number Para sa Kanyang Tala Concert

Ang singer-actress na si Sarah Geronimo, ay isa sa mga hinahangaan at tinitingalang personalidad sa industriya ng showbiz. Marami ang humahanga sa husay ni Sarah sa pag-arte, ngunit ang higit na hinahangaan ng lahat, ay ang kanyang napakagandang tinig at husay sa pagkanta.

Kaya naman, sa tuwing magkakaroon ng concert si Sarah ay talagang dinudumog ito ng kanyang mga tagahanga. Kahit ngayong panahon ng pandemya, ay hindi ito naging hadlang para masaksihan ng lahat ang kanyang natatanging talento.

Photo credits: google.com

Ang kanyang digital concert na Tala: The Film Concert, ay talagang inabangan ng kanyang maraming tagahanga at tagasuporta. Sa mga hindi naman nakapanood, ay nabigyan na ng pagkakataon dahil nito lamang ika-1 ng Mayo 8pm, at ika-2 Mayo ay nagkaroon ng back-to-back-to-back encore sa streaming sites na ktx.ph.,iWantTFC, at TFC IPTV.

Photo credits: google.com

Ngunit, hindi batid na marami na bago pa man magawa ang kanyang successful digital concert, at mabuo ang labingwalong performances ni Sarah sa Tala: The Film Concert, ay hindi rin biro ang kanilang ginawang paghahanda at naging gastos.

Espesyal naman at malaking parte ng buhay ni Sarah ang homage venue ng concert na kinunan sa Smart Araneta Coliseum. Ito nga ay dahil dito rin ginawa at nagtanghal si Sarah ng kanyang mga matagumpay na major concerts noon.

Ibinahagi ng direktor ng Tala: The Film Concert, na si Paul Basinillo na 90% ng concert ay kinunan sa Big Dome, maliban lamang sa production number ni Sarah na “Ikot-Ikot”, kung saan pinag-isipang mabuti ang buwis buhay na production number na ito ng singer.

Photo credits: google.com

Sa katunayan nga nito, ang G production na ng production company ng mag-asawang Sarah at Matteo Guidicelli na siyang gunawa at naghanda ng construction ng specialized studio para production number na “Ikot-Ikot”, ay gumastos sila ng P1.5 milyon.

“We need to construct a specialized studio just for ‘Ikot-Ikot’ because it was too big and the contraption needed a specialized venue to mount circular rigging .They spent more than a million just for the set alone. The contraption probably added another half a million pesos or so,” kuwento ni Paul tungkol sa magastos na set ng “Ikot-Ikot”.

At ito nga ay ginawa sa Tanay, Rizal kung saan dahil sa sobrang laki ng size ng box set, ay hindi ito pwedeng dalhin sa Smart Araneta Coliseum. Apat na minuto lang ang tinagal ng nasabing production number ni Sarah, ngunit sadyang napakahaba ng ginawa nilang paghahanda na umabot ng halos isang linggo.

Photo credits: google.com

“We started the shoot early morning but the whole set-up took one whole week to prepare. One full day of separate rehearsals and four months of planning, just for that production number alone,”paliwanag ni Paul.

Isa rin sa nagbigay kagandahan ng set ay si Enzo Pizarro, ang production designer ng Tala: The Film Concert. Sa ngayon ay nasa studio parin ng Tanay ang box set ng Ikot ikot.

Hindi naman maikakaila na talagang marami ang namangha sa performance ni Sarah sa Tala: The Film Concert na unang napanood ng publiko noong March 27.

error: Content is protected !!