Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple na si Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli Ipinag Shopping at Grocery ang Kanilang mga Empleyado

Alam ng marami na sa likod ng matatagumpay na karera at negosyo ng mga sikat na personalidad ay ang kanilang masisipag na mga empleyado.

Dahil dito, hinahangaan ngayon ang mga celebrity at kilalang personalidad sa social media lalo na sa kanilang mabuting pagtrato at pakikitungo sa kanilang mga empleyado. Isa na nga rito ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Kwento ni Matteo, Abril nang tutukan niya at ng kaniyang asawa na si Sarah ang kanilang farm sa Laguna. Dahil sa tagal ng kanilang pamamalagi rito, mas nakilala rin nila ang mga taong tumutulong upang pagandahin at pamahalaan ang farm na ito.

Photo credits: Matteo Guidicelli | Youtube

Lalo ring nakita ng celebrity couple kung gaano kasigasig ang mga ito sa kanilang pagtatrabaho. Dahil natuwa sila sa ipinakitang kasipagan ng kanilang mga empleyado, minabuti nina Sarah at Matteo na suklian ang kanilang dedikasyon upang mapaganda ang kanilang farm.

Photo credits: Matteo Guidicelli | Youtube

Sa isang video sa Facebook account ng aktor, ipinakilala niya ang kanilang mabubuting empleyado bilang “The Dream Team”.

Photo credits: Matteo Guidicelli | Youtube

Dinala nga ni Sarah at Matteo ang The Dream Team sa Landers Superstore upang ipagbili ang mga ito ng groceries. Kwento ni Matteo, natutuwa silang makita na nagsusumikap ang kanilang mga empleyado para sa kanilang pamilya kaya naman nagdesisyon sila ni Sarah na handugan sila ng kaunting biyaya.

Photo credits: Matteo Guidicelli | Youtube

Hindi rin naman pinalampas ng kanilang mga empleyado ang malaking oportunidad na ito. Makikita sa video na masaya at malaya silang nakakapamili ng kanilang mga pangangailangan gaya ng pagkain at personal na kagamitan.

Photo credits: Matteo Guidicelli | Youtube

Photo credits: Matteo Guidicelli | Youtube

Hindi lamang ang The Dream Team ang lubos ang kasiyahan sa regalong ito ng mag-asawa. Mapapansin din na maging si Sarah at Matteo ay natutuwa na mapasaya ang kanilang mga empleyado.

Photo credits: Matteo Guidicelli | Youtube

Dahil sa kabutihan ng puso nina Sarah at Matteo, hindi rin nakapagtataka nang bumuhos ang paghanga mula sa mga netizens at sa kanilang mga taga-suporta.

Photo credits: Matteo Guidicelli | Youtube

Photo credits: Matteo Guidicelli | Youtube

Talagang napakabuti ng singer at aktor kaya naman ang ibang netizens ay nagpasalamat lalo na sa kanilang pagpapasaya sa The Dream Team at sa kanilang mga mahal sa buhay. Dagdag pa ng isang netizen, patuloy na pinagpapala ang dalawa dahil hindi rin naman sila nagdadalawang-isip na ibahagi sa iba kung ano ang mayroon sila.

error: Content is protected !!