Connect with us

Entertainment

 ‘Sandara Park’ Balik Pilipinas Upang Magbakasyon At Magdiwang Ng Ika-35 Kaarawan Sa Bohol

Published

on

Tayong mga pinoy kahit saan mang lugar mapunta at makarating masasabing nasa puso pa rin natin ang ating bansang pinagmulan. Sa kabila ng mga naggagandahang lugar na makikita sa iba’t ibang bansa tayo pa rin ay umuuwi upang muling masulyapan mga tanawing nagbibigay sa atin ng kakaibang kasiyahan.

Masasabing kahit wala talagang dugong pinoy na nananalaytay sa sikat na Kpop Artist na si “Dara” o mas kilala natin bilang Sandara Park na una nating nakita sa Kapamilya talent show na ‘Star Circle Quest’ ay masasabing may puso ito ng isang tunay na pinoy.



Hindi man niya ipinagpatuloy ang nasimulan niyang buhay showbiz sa ating bansa ay pinalad naman siya ng bumalik sa Korea kung saan ay naging bahagi siya ng sikat na all girl KPop Group na 2NE1.

Samantala, malayo man ang narating niya dahil sa kasikatan ay hindi pa rin nawala sa kaniyang puso at isipang ang lugar na minsan na naging tahanan.

Sa katunayan kamakailan lang ay muli siyang bumalik sa Pilipinas upang magbakasyon at ipagdiwang na rin ang kanyang ika-35 kaarawan. Makikita nga sa ilang mga larawan na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account na sa mga magagandang tanawin ng Bohol pinili niyang maglibot at magbirthday na rin habang nasa ating bansa.

Sa isang larawan nga ay makikita ang ‘2NE1’ singer na masayang ipinapakita ang sikat na chocolate hills na isang sa magagandang tanawin sa Bohol na nilagyan niya pa ng caption na

“Chocolate Hills!!! achieved”.

photo credits: daraxxi | Instagram

Hindi rin pinalampas ng dating ‘Star Circle Quest’ artist na bisitahin ang sikat na Henann Resort Alona Beach at makikita siyang masayang ineenjoy ang init ng araw at ang malamig na tubig sa paa,

“Masakit ulo ko, pero dapat maganda parin ako. Pose!!! #sofarbehindsunday” caption pa ni Sandara.

photo credits: daraxxi | Instagram

Samantala, ipinakita din ng “Super Noypi” actress ang loob ng tinutuluyan sa nasabing resort, makikita nga ang mga dekorasyon na puti at dilaw na mga lobo gayundin ang mga kulay puting tuwalya na ginawang hugis swan at cake habang ang kama ay may mga rosas na sadyang ikinalat. Nilagyan naman ni Sandy ito ng mensaheng ,

“Thank you!!! – #everydayismybirthday#november#scorpio”.



Ibinahagi din ni ‘Dara’ ang isang larawan kung saan makikita siyang naka all smile may hawak siyang hugis bote na lobo at isang chocolate cake na parehong may nakalagay na ‘Happy Birthday’.

Samantala nagpa-abot din ng pagbati ang ilang mga artista gayundin ang ilang tagahanga ni Sandara sa kanyang Instagram katulad ni,

“yeng Happy Bday Dara! Miss you.”
“iamsuperbianca Happy birthday Sandy!!!!! Keep on shining”,
“mara_montiague Birthday mo ba talaga ati? Bakit ang setup ng bed mo pang couples? Lakas maka-honeymoon or Valentines lang ang peg – Anyways advance happy birthday Darashii. I wish you good luck and good health! Saranghae!”,
“anchellededios She’s wearing a fatigue pajama!!!! Gaaahhh!!! And the balloons are yellow!!”,
“sammiebuludan_1130 Happy birthday unnnniiiiieeeee greet mu naman ako unnie birthday ko ngaun 11/11/19”.



Sa kabila ng natamong kasikatan at tagumpay na narating nanatili pa rin kay Sandara ang mga katangian na unang nagpasikat sa kaniya. Masasabing wala sa kulay at pananalita ang pagiging pinoy kundi ito ay higit na makikita sa kaibuturan ng puso katulad ng kay Sandara. “HAPPY BIRTHDAY san‘DARA’.”

error: Content is protected !!