Connect with us

Entertainment

‘Sana Wala Kang Ending’: Angelica Panganiban, Pinakilig ang Kanyang mga Fans sa Picture Niya at ng kanyang Bagong Pag-ibig

Bagong taon, bagong simula. Isang napakagandang pagkakataon nga naman ang bagong taon upang magsimula ng buhay na puno ng saya at pag-asa. Kaya naman, ang aktres na si Angelica Panganiban, ay sinalubong ang unang araw ng bagong taon ng kanyang pasabog na ikinagulat ng lahat, ang pagkakaroon niya ng makulay na love life.




Kamakailan sa Instagram account ng aktres, ay bumuhos ang mga pagbati at nakakakilig na mensahe sa comment section ng post ng aktres. Makikita kasi sa Instagram post ni Angge, na may kahalikan siyang lalaki sa beach. Sa nasabing post nga, ay tila ipinapakilala na ng aktres sa publiko ang taong nagbibigay kulay sa buhay niya ngayon, ang kanyang bagong pag-ibig.

Samahan pa nga ito ng caption na hatid ay kilig, na tila napakasaya ni Angge at ayaw na niyang magwakas pa ang kanilang pag-iibigan.

“Kung isa kang pelikuka, sana,, wala kang ending …”

Sa naturang post, ay walang anumang nabanggit na detalye ang aktres. Ngunit, marami na nga sa kanyang mga kaibigan sa showbiz, ang ibinuking siya sa pagkakaroon ng makulay na love life. Matatandaan nga sa kanyang birthday episode ng Ask Angelica, ay ilang ulit siyang tinanong ng kanyang mga kaibigan patungkol sa kanyang love life.




Isa na nga rito si Glaiza de Castro na nagbigay ng clue nang magpaabot ng mensahe para sa kanyang kaarawan.

Saad ni Glaiza,“Maraming maraming salamat sa patuloy mong pagke-care sa akin. Ngayon hindi ka na mahihirapan dahil may nag-ki-care sa ‘yo. [laughs] Basta! ‘Yun na ‘yun. Masaya ako para sa ‘yo, amiga.”

Photo credits: Angelica Panganiban | Instagram

Maliban naman kay Glaiza, ay isa pang kaibigan ni Angge na si Kevin Samson ang nagbigay rin ng clue sa masayang lovelife ngayon ng aktres, na ayon rito ay maituturing na answered prayer.

“Alam ko naman you’re more than happy right now, kasi naniniwala ako na for every person na aalis sa buhay mo, even temporary lang, meron at merong ipapalit si Lord to make you even happier. And you deserve to be. That is an answered prayer for me.”

Matapos ang ilang taong pagkabigo sa pag-ibig, siya na nga kaya ang lalaking magpapasaya ng lubusan sa buhay at papawi ng lungkot sa puso ni Angelica?

Matatandaan naman na nakarelasyon noon ng aktres sina Carlo Aquino at Derek Ramsay. At huli nga ang aktor na si John Lloyd Cruz, kung saan ay nauwi ang kanilang relasyon sa hiwalayan noong 2016.

error: Content is protected !!