Connect with us

Entertainment

Sam Pinto, Pinasaya ng Kanyang mga Mahal sa Buhay Matapos Surpresahin ng Isang Baby Shower

Ilang linggo na lamang nga ang hinihintay ay masisilayan na ng seksing aktres na si Sam Pinto at asawa niyang professional basketball player na si Anthony Semerad ang kanilang panganay na anak.

Credit: Sam Pinto | Instagram

Makikita naman kung gaano kasuportado ng kanilang pamilya ang journey nilang mag-asawa bilang mga first time parents. At kamakailan lamang bilang paghahanda sa pagdating ng kanilang panganay na anak, ay sinupresa si Sam Pinto ng kanyang mga mahal sa buhay ng isang baby shower.

Nito lamang ika-4 ng Agosto ay ibinahagi ng sister-in-law ni Sam na si Gwen Zamora sa Instagram, ang mga larawan na kuha sa naganap na baby shower para sa panganay na anak nina Sam at Anthony. Makikita sa mga larawan ang napakaganda at makulay na mermaid-themed baby shower.

Credit: Sam Pinto | Instagram

Nilakipan naman ito ni Gwen ng caption kung saan ay pinayuhan niya si Sam na mag-enjoy lang sa pagiging isang ina habang lumalaki ang kanyang anak na ngayon pa lang nga ay pinangalanan na ng Mia.

“You’re almost there babe! One advice I can give is to embrace and enjoy every moment because next thing you know she’ll be running all over the place and throwing tantrums.”

Credit: Sam Pinto | Instagram

Idinagdag rin ni Gwen sa kanyang post ang kanyang kasiyahan para kay Sam at kay Anthony na malapit nang maging ganap na mga magulang.

“Jokes aside, I’m super happy for you and Anthony, that I tear up just writing this. Rest assured Cooper will always have her back and love her unconditionally. Love you both! Este THREE.”

Credit: Sam Pinto | Instagram

Si Gwen ay asawa ng kakambal ni Anthony na si David Semerad kung saan nga ay may isa silang anak na lalaki, si Cooper. At sa post ni Gwen, ay sinabi niya na tiyak na mamahalin ni Cooper ang baby girl nina Sam.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Mayo nang ianunsiyo ng mag-asawang Sam at Anthony na malapit na silang maging ganap na mga magulang sa nalalapit na pagdating ng kanilang panganay na anak. At ang magandang balita na ito, ay naganap ilang buwan lamang ang nakakaraan matapos ang kanilang pag-iisang dibdib na naganap sa Conrad Manila sa Pasay.

Credit: Sam Pinto | Instagram

Sa isang vlog naman idinaan ng mag-asawa ang kanilang gender reveal para sa kanilang panganay na anak. At napag-alaman nga na isang baby girl ang inaasahan ng mag-asawa na kanilang magiging panganay. Matapos nga malaman na ito’y isang babae, ay agad naman nilang binigyan ng pangalan ang kanilang munting anghel ng Mia Aya Semerad. Ang pangalang ito ay naisip ng mag-asawa dahil mahilig sila sa “ocean” at ang ibig sabihin ng Mia ay “queen of the ocean”.

“Because we really love the ocean. Mia is queen of the ocean, so it’s the perfect name. And Aya, it’s a very lucky name. Syempre we want her to be lucky.”

error: Content is protected !!