Connect with us

Entertainment

Sam Pinto, Mas Lalong Lumutang ang Taglay na Kagandahan At Napakaseksi Parin sa Kanyang Maternity Photoshoot

Ang seksing aktres na si Sam Pinto ay pinahanga ang netizens sa kanyang mala-dyosang kagandahan, at sadyang napakaseksi pa rin kahit may kalakihan na ang kanyang baby bump.

Nalalapit na ang pagsilang ni Sam sa panganay na anak nila ng kanyang asawang si Anthony Semerad, isang professional basketball player. At bilang paghahanda, at bahagi na rin ng pregnancy journey ni Sam ay isang maternity photoshoot ang kanyang isinagawa kung saan ay mas lalong lumutang ang kanyang mala-dyosang kagandahan.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Sam ang mga napakagandang kuha ng larawan sa fairytale-themed maternity photoshoot na isinakatuparan ng mahusay na photographer na si Niko Gonzales para sa blog na Baby and Breakfast.

Makikita sa ilang larawan na talaga namang mas lalong gumanda si Sam. Sa ilang lay outs naman, ay kapansin-pansin naman ang malaking umbok ng tiyan ni Sam, na hindi magtatagal ay malapit na ngang manganak. Ngunit, sa kabila nito, ay hindi maikakaila na masisilayan parin ang magandang hubog ng katawan ng seksing aktres. Sa kanyang suot na pearl beaded top at isang white see-through skirt at nude-colored bikini bottom, ay talaga namang walang kupas ang taglay na kagandahan at kaseksihan ni Sam.

Samantala, ang nasabing larawan ay nilakipan naman ni Sam ng caption kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang pregnancy journey at mga pagbabago sa kanyang katawan na dala ng kanyang pagbubuntis.

“I welcome the changes in my body. Honestly. This is one of the hardest things for me to accept. ‘Cause everything is so BIG. My face, belly, feet, and yes, my lips — natural filler ‘yan girl hahaha. “And I hear so much scary, horror stories about pregnancy and giving birth that I’m already getting terrified and nervous just thinking about it. [But] listening to pregnancy affirmations really, really helped me a lot.”

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Mayo nang ianunsiyo ng mag-asawang Sam at Anthony na sila’y malapit nang maging ganap na magulang sa nalalapit na pagdating ng kanilang panganay na anak.Ito ay naganap dalawang buwan matapos ang kanilang pag-iisang dibdib na ginanap sa Conrad Manila sa Pasay.

At sa susunod na buwan nga, ay masisilayan na nina Sam at Anthony ang kanilang pinakaaasam na munting anghel na isang baby girl. Matapos ianunsiyo ang pagbubuntis ni Sam sa panganay nilang anak, ay agad ring isinapubliko ng mag-asawa ang gender ng kanilang baby. Agad naman nilang binigyan ng pangalan ang kanilang anak ng Mia Aya Semerad na kung saan ang kahulugan ay “queen of the ocean”.

“Because we really love the ocean. Mia is queen of the ocean, so it’s the perfect name. And Aya, it’s a very lucky name. Siyempre we want her to be lucky.”

error: Content is protected !!