Connect with us

Entertainment

Sam Pinto, Ipinakita ang Bagong Condo na Magiging Tahanan nila ng Kanyang Asawang si Anthony Semerad

Si Sam Pinto ay unang nasilayan sa telebisyon nang sumali sa Pinoy Big Brother: Double Up noong taong 2011. Marami nga ang nakapansin ng kanyang angking ganda at kaseksihan kaya naman noong 2012 ay nanguna siya sa FHM Philippines’list.

Kamakailan lamang, nang mapabalita ang pag-iisang dibdib nina Sam at fiancee nitong si Anthony Semerad, isang PBA player. Ang palitan ng sumpaan ng dalawa, ay naganap sa isang romantikong sunset civil wedding ceremony na dinaluhan ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan. Maliban sa nasabing civil wedding, ay nais rin nina Sam at Anthony na muling ikasal upang makadalo ang iba pa nilang mga mahal sa buhay.

At sa pagsisimula ng bagong pahina ng kanilang buhay bilang mag-asawa, at pagbuo ng sariling pamilya, kamakailan lamang nang lumipat na sila sa bagong condo na kanilang magiging tahanan.

Sa Youtube channel ni Sam na matagal nang hindi nakakapag-update ng kanyang mga video, ay ibinahagi niya ang vlog kung saan ipinakita niya ang loob ng condo na magiging tahanan nila ni Anthony, kasama ang kanilang magiging mga anak.

 

Ibinahagi naman ng sexy star, na bago pa man sila makauwi sa Pilipinas galing Australia, ay nailipat na rito ang kanilang mga kagamitan noon pang nanirahan sila sa Australia ng ilang buwan. At sa tulong ng kanyang personal assistant at driver, ay agad ngang nailipat ang kanilang mga kagamitan mula sa dati nilang tirahan.

May pagmamalaki ring sinabi ni Sam na si Anthony mismo ang nagpintura ng kabuuan ng kanilang condo. Pagdating naman sa pag-aayos ng mga kagamitan sa loob ng condo ay si Sam ang gumawa. Ito nga ay dahil hilig talaga niya ang pagdidisenyo ng bahay.

Photo credits: Sam Pinto | Youtube

Makikita nga na talagang nagtulungan ang newly wed upang maganda at maging maaliwalas tingnan ang kanilang tahanan. Sa nasabing vlog, ay inilibot ni Sam ang kanyang mga viewers sa napakagandang condo na may modernong disenyo. Mag mula nga sa foyer, living room, kitchen, master bedroom, gym at hanggang sa kanilang bathroom, ay isa-isang ipinakita ni Sam.

Photo credits: Sam Pinto | Youtube

Photo credits: Sam Pinto | Youtube

Photo credits: Sam Pinto | Youtube

Photo credits: Sam Pinto | Youtube

Photo credits: Sam Pinto | Youtube

Photo credits: Sam Pinto | Youtube

Hindi naman maikakaila na napakaganda nito, kaya naman marami sa mga tagapanood ang humanga at nagbigay ng komento sa kanilang condo na maaliwalas tingnan.

“Wow very nice clean maaliwalas condo. I like the combination of your furnitures and things to your white color wall. Suggest ko lng don’t forget to buy a cat bed and wood to scratch on so that your bed covers and sofa won’t be destroyed by your cat. By the way nag blends din ang color ng cat sa house mo.”

“Wows! Ganito rin talaga goal ko for our interior! So glad, nagkaroon ako lalo ng ideas because of you!”

“Nice enterior design are cool and colors things are organized too. Hi po Miss Sam ang ganda po ng Condo niyo I love it po.”

error: Content is protected !!