Connect with us

Entertainment

Sam Pinto, Ipinakilala na sa Publiko Ang Kanyang Napakacute na Baby Girl na si Mia Aya na 1 Month Old Na Ngayon

Matatandaan na ikinasal ang napakaganda at seksing model-actress na si Sam Pinto sa kanyang asawang si Anthony Semerad noong March 8, 2021 na naganap sa roofdeck ng Conrad Manila kung saan masisilayan ang napakagandang tanawin. Bago maganap ang kanilang pag-iisang dibdib ay naengaged muna sila noong November 2019.

Agad namang biniyayaan ng isang napakacute na baby girl ang kanilang pagsasama, na isinilang ni Sam noong ika-1 ng Setyembre. Sa Instagram ay masayang ibinahagi ni Anthony na ang kanyang misis ay ligtas na nagsilang ng isang malusog at napakacute na sanggol na babae na pinangalanan itong Mia Aya.

Tila naman napakabilis ng paglipas ng panahon, dahil ang baby girl ng mag-asawang Sam at Anthony, ay nagdiwang kamakailan ng kanyang ika-unang buwang kaarawan. At ngayon nga na isang buwang gulang na si Baby Mia Aya, ay isang espesyal na pagdiriwang ang inihanda ng mag-asawa para sa kanilang anak.

Nito lamang ika-4 ng Oktubre ay ibinahagi ni Sam sa kanyang Instagram ang simpleng pagdiriwang para sa milestone ni Baby Mia. Ito rin ang unang beses na ibabahagi ni Sam sa kanyang mga tagahanga ang kanilang family photo. At unang beses ring masisilayan ang napakacute na mukha ni Baby Mia.

Sa caption naman ng kanyang post ay ibinunyag rin ni Sam na maliban sa milestone ni Baby Mia, ay isang ring selebrasyon ang pag-uwi sa kanilang tahanan ng kanyang asawang si Anthony matapos ang isang buwang pagkawalay sa kanila para makasama ang team nito sa Philippine Basketball Association (PBA).

Credits: Anthony Semerad | IG

“My little family [emoji] Finally. After a month, daddy anthonysemerad is home from the PBA bubble. We missed you very much. PS he was there when miaayasemerad was born.”

Agad namang sinagot ni Anthony ang sweet message para sa kanya ni Sam ng isa ring napakasweet mensahe na puno ng pagmamahal.

“I love you baby!,”saad ni Anthony.

Samantala, ibinahagi rin ni Anthony sa kanyang Instagram ang kanilang first family photo at sa caption ng kanyang post, ay ipinahayag ng basketball player ang kanyang excitement bilang isang magulang sa pag-aalaga sa kanilang anak katuwang si Sam.

Credits: Sam Pinto | IG

“Ready to start this journey with you baby! Let the awesome parenting begin.”

Marami naman sa mga celebrity friends nina Sam at Anthony ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa bagong milestone ng kanilang anak na si Baby Mia. Katulad na lamang nga ng sister-in-law ni Sam na si Gwen Zamora na asawa ng kakambal ni Anthony na si David.

Credits: Sam Pinto | IG

“Aw yay!!! Can’t wait to smother you with kisses little Mia Aya!! Tata loves you!,”komento ni Gwen.

“She’s soo pretty Sam!,” komento naman ng former beauty queen and mom-to-be na si Katarina Rodriguez.

Saad naman ni Kapuso actress Andrea Torre,“Soooo pretty!!!!!!!!!!!!!”.

Ilan pa sa mga celebrities na nagpaabot ng kanilang pagbati ay sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Marc Nelson, at Janeena Chan.

error: Content is protected !!