Connect with us

Entertainment

Sab Magalona at Jim Bacarro Ipinasilip ang kanilang Child-friendly Family Home

Isa sa mga prayoridad na kailangang isaalang-alang ng mga magulang pagdating sa pag-aayos ng kanilang sariling tahanan ay ang kaligtasan ng kanilang mga anak. Ipinakita naman ng mag-asawang sina Saab Magalona at Jim Bacarro kung paano nila ginawang “childproof” o ligtas para sa kanilang dalawang anak ang kanilang kasalukuyang tahanan.

Photo credits: Sab Magalona | Instagram

Para sa proyektong ito, humingi ng tulong ang mag-asawa sa Ikoniq Design Studio. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa foyer, living area, at kusina ng family home na naging posible dahil sa pagiging hands-on ni Saab pagdating sa pagbibigay ng ideya. Isa nga sa kaniyang mga naging suhestiyon ay ang mid-century modern at industriyal na tema ng tahanan.

Dahil dito, pinili ng mga designers ang bamboo charcoal na disenyo para sa flooring ng bahay samantalang ang mga dingding naman ay may kulay na off-white upang manatili umanong maliwanag ang parteng ito ng bahay buong araw.

Photo credits: realliving.com.ph

Bagay na bagay naman dito ang inilagay na kulay kahel na sofa sa living area. Para naman sa breakfast bar, mayroon itong brick wall na pasok pa rin sa industriyal na tema.

Photo credits: realliving.com.ph

Ayon naman sa mga designer ng bahay, nagkaroon ng pinakamaraming trabaho at pagbabago sa kusina dahil nais raw ng pamilya na magkaroon ng malawak na espasyo para sa pagluluto ni Jim habang maaaring makapaglaro ang kanilang mga anak sa kitchen island.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Puting-puti rin ang naging kulay ng parteng ito ngunit bumagay pa rin sa industriyal na tema ang mga napiling furnitures para dito. Gaya rin ng kahilingan ni Saab, mayroon itong isang kitchen island na bukod sa pagiging dagdag na storage space, maaari din ditong makapagsalo-salo ang kanilang pamilya.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Higit pa sa mas magandang itsura ng kanilang tahanan, mas panatag din umano ngayon ang kalooban ni Saab tuwing naglalaro ang kaniyang mga anak sa loob ng tahanan dahil wala na ang kaniyang mga pangamba sa mga posibleng aksidente na maaaring mangyari sa kanila. Nagustuhan din niya ang kanilang bagong furnitures na naaayon sa kaniyang kahilingan.

Talaga rin namang maraming mga magulang ang sasang-ayon kay Saab at Jim pagdating sa desisyon nilang unahin ang kaligtasan ng kanilang mga anak. Isang magandang inspirasyon din ang mga disenyo at dekorasyon ng kanilang tahanan para sa mga pamilyang nais din magkaroon ng child-friendly na tirahan.

error: Content is protected !!