Connect with us

Inspiring

“Saan ka naman nakakita ng news anchor na nagpupulot ng basura?” Sikat na TV Anchor na Si Bernadette Sembrebo Proud na Ibinahagi ang Pagiging Mangangalakal Nilang Mag-asawa

Sinong mag-aakala na ang tanyag at popular na newscaster at TV Patrol anchor na si Bernadette Sembrenop ay mayroon pang isang pinagkakaabalahang trabaho o kung para sa kanya ay ang ‘other job’ niya, at ito ay ang pagiging isang mangangalakal.

Noon lamang ika-9 ng Nobyembre, araw ng Miyerkules, sa bagong upload na YouTube vlog ni Ogie Diaz, ay kanyang naka-kuwentuhan ang isa sa tanyag na newscaster sa bansa, ito ay si TV Patrol anchor Bernadette Sembrano.

Sa nasabing vlog, ay napag-usapan nina Bernadette at Ogie ang buhay ng TV news anchor, at dito na din naibahagi ni Bernadette ang kabuhayan nilang mag-asawa at ito ay ang kanilang junk shop.

Ayon kay Bernadette, junk shop ang kabuhayan nila ng kanyang mister na si former Kawit, Cavite na si Vice Mayor Emilio ‘Orange’ Aguinaldo IV, na kilala din bilang isa sa mga apo ni former President Emilio Aguinaldo.

“Hindi talaga ako nag-aaksaya. Lalo na yung napangasawa ko, nangangalakal.”Hindi ako makatapon ng mga papel. Yung lahat ng papel, wala [kaming] tinatapon.”Yung mga cups na iyan, hindi namin itatapon iyan. Lilinisin ko pa yun, ikakalakal pa,” pagbabahagi ni Bernadette.

Kuwento ni Bernadette, ultimo papel ay hindi niya itinatapon at maging mga cups, dahil imbis na itapon ang mga ito ay ginagawa nila itong kalakal.

Para sa TV Patrol News anchor, ang pangangalakal o ang mga basura ay hindi tama na nila-‘lang’ lang, dahil ang ganitong uri ng hanapbuhay ay marangal. Dagdag na saad pa ni Bernadette, hindi niya ikinahiya kailanman ang pagiging mangangalakal, sa katunayan ito pa umano ang naging rason para maging ‘humble’ siya.

Aniya, “I like doing it. Kasi nakakatulong ka, kumikita ka. And it keeps me humble.”Saan ka naman nakakita ng news anchor na nagpupulot ng basura?

“Ako lang gumagawa nun.”

Pagbabahagi pa ni Bernadette, kung talagang mayroon tayong pakialam sa kalikasan at ibang tao, ay hindi dapat ikahiya ang pamumulot ng basura.

Saad pa niya, sa hanapbuhay nilang ito ng kanyang mister, ay marami ang nagsasabi na hindi nila ito ikayayaman, ngunit pakiramdam umano nila ay ito ang kinakailangan nilang gawin para makatulong sa kalikasan. Ikinuwento din niya na noon ay napagkamalan ding janitor ang kanyang mister, dahil sa mga dala-dala nitong kalakal.

Ibinahagi din ni Bernadette ang malaking pasasalamat niya sa kanyang asawa, dahil sa napakaraming bahay na itinuro nito sa kanya, kabilang na dito ang pagiging mas mabuting tao at ang maging masaya sa simpleng pamumuhay.

error: Content is protected !!