Connect with us

Entertainment

‘Sa probinsya kami titira’: Kris Aquino, Ibinahagi ang Desisyong Lisanin Ang Lungsod Upang Manirahan sa Probinsya Kasama ang Anak na si Bimby

Nagpasya ang Queen of All Media na si Kris Aquino na lisanin ang lungsod ng Maynila upang manirahan sa isang beachfront house sa probinsya.

Kamakailan ay ibinunyag nga ni Kris Aquino sa isang video na ibinahagi sa kanyang Facebook page, ang kanyang desisyon na manirahan sa probinsya kasama ang kanyang anak sa Bimby.

Sa video kung saan kumasa si Kris sa “Jojowain o Totropahin Challenge”, ay ipinahayag ni Kris ang desisyong ito. Sa video habang kumakain kasama si Bimby, ay tinanong si Kris, kung jojowain o totropahin niya ang mga nabanggit na lalaking personalidad sa industriya ng showbiz.




Makikita nga nag-enjoy si Kris sa kanyang mga naging kasagutan kung sino ang kanyang mga tipong jowain at tropahin. Makikita rin ang nakakatuwang reaksyon ni Bimby sa mga kasagutan ng kanyang ina na talaga namang alam na alam rin ang tipong lalaki ni Kris.

Samantala, sa pagtatapos ng video ay ipinahayag ni Kris ang kanyang desisyon na manirahan sa probinsya. Ayon nga sa Queen of All Media, ay birthday gift na niya ito sa kanyang sarili.

“Birthday gift ko po sa sarili ko ang paglipat sa isang beachfront house na inupahan na namin for the next 6 months. Yes, sa probinsya kami titira… lalayo muna kami sa NCR.”

Photo credits: Kris Aquino | IG

Dagdag pa ng aktres, ay babalik lamang siya sa lungsod tuwing ika-6 na linggo upang bisitahin ang panganay na anak na si Josh na nahanap ang tunay na kaligayahan sa Tarlac.

“Babalik lamang ako sa Central Luzon every 6 weeks para ma-check si kuya Josh na nahanap na ang true happiness niya sa Tarlac. At present, we no longer reside in Greenmeadows—in the house you saw in many of my webisodes.”

Photo credits: Kris Aquino | IG

Ibinahagi rin ni Kris na pitong buwan na silang naninirahan sa BGC. At ngayon nga, ay hinahanap niya ang lugar kung saan magiging komportable sila ng kanyang mga anak.

“Seven months na po kaming nakatira in a serviced residence here in BGC which many of you assumed was our condominium… I am taking my time in deciding where my sons and I will feel most comfortable.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Pahayag pa nga ng Queen of All Media, ay mas pinili umano niyang lisanin ang lungsod dahil sa nararanasang pandemya. Ito nga ay dahil, mahalaga para sa kanya na ingatan hindi lamang ang kalusugan ng kanyang sarili kundi pati na rin kalusugan ng kanyang anak.




“Pinili kong lumayo muna sa city living dahil habang may pandemic, kailangan mas lalo ko pang pag-ingatan ang kalusugan ko because as you saw in this video – I am the only parent the 13 year old beside me has.”

Photo credits: Kris Aquino | IG

Pagtatapos nga niya sa kanyang pahayag, ay mas prayoridad niya ang kanyang mga anak, lalo na ang kalusugan nilang mag-iina.

Photo credits: Kris Aquino | IG

“Kuya Josh and Bimb will always remain the greatest priorities of my life but I can only give them my love and their much needed sense of security if I do everything I can to protect my health especially because we all know my immunity is compromised because of my autoimmune conditions.”

error: Content is protected !!