Connect with us

Entertainment

Sa Halagang P6,000 Isang Babae Nakapagtayo Ng Coffee Business At Ngayon Nga Ay May 15 Branches Na

Pagdating nga sa pagsisimula ng negosyo ay marami sa atin ang takot sumubok. Ngunit, may mga pagkakataon na dumadating sa atin para lakasan ang ating loob para subukan ito. Katulad na lamang nga ng pagdating ng pandemya kung saan ay marami sa atin ang nawalan ng hanapbuhay at trabaho.

CREDITS: Anna Magalona| YT

Isa na nga riyan si Anna Magalona na nagtatrabaho bilang credit and finance solutions manager sa isang software company sa Makati. Ngunit, dahil nga sa hindi inaasahang pagdating ng pandemya, ay maraming bagay ang sumagi sa kanyang isipan. Isa na nga rito ang pagkakaroon ng back up plan, para kumita lalo na nga sa gitna ng pandemya.

CREDITS: Anna Magalona| YT

Kwento nga ni Anna sa Summit Media’s OG Channel, ay gusto niyang magkaroon ng negosyo ngunit hindi niya alam kung anong negosyo ang kanyang papasukin sa mababang capital lamang. At ang napagpasyahan nga ni Anna na negosyo ay coffee business na talaga namang kanyang naeenjoy.

CREDITS: Anna Magalona| YT

“I really wanted to have my own business. But what business could I start with that’s very low-maintenance, easy to prepare, and easy to launch online?”

Itinayo nga ni Anna ang kanyang cofee shop business na pinangalanan niyang “But First, Coffee. Nang ipakilala niya naman ito online ay wala siyang ideya kung paano niya sisimulan ang kanyang itinayong negosyo.

CREDITS: Anna Magalona| YT

Pagbabahagi nga ni Anna ay nagsimula siya sa kanyang negosyo sa mababang capital na nagkakahalaga ng P6000. Ang nasabing halaga naman ay ibinili niya ng mga gamit na kakailanganin sa kanyang coffee business katulad na lamang nga ng offee maker, labeled cups at packaging. Bumili rin siya ng mga ngredients sa paggawa ng kape tulad ng coffee grounds, milk, at sugar syrup.

CREDITS: Anna Magalona| YT

May mga nagsabi rin kay Anna na ang kanyang passion ay magandang simula sa kanyang pagnenegosyo, dahilan nga para mas pagbutihan pa niya para mapalago ang kanyang negosyo. Nakalikha nga si Anna ng coffee blend na talagang pumatok sa masa, at naging mabenta rin online at may mga deliveries rin siya. Hindi naman hadlang sa kanyang tagumpay ang mga aberya tulad ng pagkasira ng kanyang sasakyan sa gitna ng kanyang delivery, bagkus nga ay naging inspirasyon pa ito para kay Anna para mas lalong magsumikap.

CREDITS: Anna Magalona| YT

Unti-unti nga ay natutunan na niya ang tamang pagpapatakbo ng kanyang negosyo at nakalikha rin siya ng iba pang flavors at sinamahan na rin niya ng nakakatakam na pastries ang menu sa kanyang negosyo.

At dahil nga sa unti-unting paglago ng kanyang negosyo ay nagawa niyang magrent sa maliit na space sa baba ng kanyang condo at nakapagtayo na rin siya ng kiosk.

CREDITS: Anna Magalona| YT

“It kind of boosted our credibility as well, and that helped us gain more customers,” kwento niya.

Hindi naman nagtagal ang kanyang coffee business nga ay dumami ang customers at naging matagumpay. Marami na rin nga ang nais magfranchise sa kanyang But First, Coffee at noong 2021 nga ang kanyang dating maliit na negosyo, ay may 15 branches na sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

CREDITS: Anna Magalona| YT

Sa tinatamasa niyang tagumpay sa pagnenesyo ngayon na nagbigay ng inspirasyon sa marami, ay nagbigay rin siya tips para sa mga nais ring magsimula sa pagnenegosyo sa maliit na capital.

“I get to stick with our mission and vision, which is to create job opportunities for people or help people start their own business. I get to offer people good-quality—and at the same time, affordable—coffee.”

“I would definitely recommend you to start online. Invest in yourself, invest in your knowledge, invest in everything that you can to make your business a success.”

error: Content is protected !!