Connect with us

Inspiring

Sa Halagang P10,000, Isang Pamilya Nakagawa ng Isang Napakagandang Pool Sa Likod Ng Kanilang Bahay

Maliban sa masayang bonding kasama ang pamilya sa loob ng tahanan sa panahon quarantine, ay isa ring magandang dulot nito ay pag-iisip ng mga proyektong maaaring mapakinabangan. Katulad na lamang nga ng isang pamilya na hindi sinayang ang oras ng quarantine para makalikha ng isang napakagandang pool sa likod ng kanilang bahay.

Photo credits to the owner

Napapanahon naman talaga ang paggawa ng pool ng pamilya nina Michael at Rose Ann Bautista dahil hindi na nila kailangan pang pumunta sa malayong lugar para mag-enjoy sa pagsi-swimming dahil sa likod lang ng kanilang bahay ay may isang magandang swimming pool na silang pwedeng ma-enjoy. Ang mag-asawa ay may pinapatakbong photo studio at party needs and souvenirs business na Practical Moms Souvenirs and Prints, kaya naman hindi na nakapagtataka ang kanilang pagiging malikhain.

Matatandaan na minsang nang ibinahagi ng mag-asawang Michael at Rose ang kanilang ginawang DIY playhouse para sa kanilang anak. At hindi nga dito natatapos ang pagiging malikhain ng mag-asawa, dahil gumawa rin sila ng isang napakagandang pool sa likod ng kanilang bahay.

Photo credits to the owner

Kwento nga ng mag-asawa sa Smart Parenting, ay nakuha nila ang ideyang magpagawa ng pool kay Lolo Wilfredo Mangubat na minsan na ring naitampok ang kwento matapos gawing pool ang dating playpen para sa kanyang mga apo. Ang mga magulang umano ni Michael na sina Elsie at Manuel, ay nabasa ang kwento ni Lolo Wilfredo at sinabi sa kanilang mag-asawa. At dahil nagustuhan rin nila ito ay hindi sila nagdalawang isip na gawan ng pool sa kanilang bahay sa Tarlac ang kanilang anak na sina Matthew at Thimothy.

“Tamang space lang sa likod ng bahay may mini resort na. Enjoy na mga kids at buong pamilya!”

Photo credits to the owner

Tila nga nagmistulang isang mini resort ang kanilang likod bahay dahil sa ganda ng nagawa nilang pool. Hindi na nga kailangan pang lumayo ng kanilang pamilya para mag-enjoy at magbonding sa paliligo sa swimming pool.

Samantala, ibinahagi naman ng mag-asawa ang prosesong kanilang ginawa para maisakatuparan ang napakagandang pool. Sa paggawa ng structure ng pool ay gumamit sila hollow blocks at semento. At para maging polido at matibay ang pagkakagawa nito ay umupa rin sila ng mga trabahador. Pagdating naman sa disenyo at pagpipintura sa pool ay ang mag-asawa na ang gumawa.

Photo credits to the owner

Kahanga-hanga naman na sa kabuuan ay gumastos lamang sila ng P10,000 para magawa ang mini pool sa kanilang likod bahay. Ibinunyag rin ng mag-asawa na hindi sila gumamit ng tiles para sa pool floor kundi ay epoxy paint ang kanilang ginamit. Ayon kay Rose, ay may kamahalan ito ngunit sulit naman dahil matibay. Wala rin siyang dapat ipag-alala na baka masugatan ang paa ng kanyang mga anak dahil rubberized naman ang texture ng epoxy paint.

At noong May 2020 nga ay natapos na ang paggawa sa napakagandang pool, at makikita na talagang nag-eenjoy ang mga bata dito. Tubig poso ang ginagamit ng mag-asawa sa pool at tuwing 2-3 araw ay inaalis na ang tubig na siyang nagagamit naman sa pagdidilig ng mga halaman. Inaantay pa lamang nila ang chlorine na binili nila online at ito nga ay maaaring ihalo sa tubig sa pool. Kwento pa ni Rose, ay nabutas ang inflatable pool ng kanyang mga anak, kung kaya’t pinagawan na nila ng pool na di hamak na mas maganda naman sa inflatable pool.

Photo credits to the owner

Nakaisip naman si Elsie na gawan ng DIY cover ang pool para hindi mainitan ang mga bata habang naliligo. At makikita nga na masayang-masaya hindi lamang ang mga bata kundi pati na rin ang lolo at lola na talaga namang masayang makabonding ang kanilang mga apo sa pool.

“Ansaya nila kasi gustong-gusto ng mga apo nila na nag-s-swim.”

error: Content is protected !!