Connect with us

Entertainment

Sa Edad Na 61, Aktres Na si Dina Bonnevie Taglay Parin Ang Kahanga-hangang Kagandahan

Hindi naman talaga matutumbasan ang pagmamahal ng isang ina. Tunay nga na ang pag-aaruga at pagmamahal ng isang ina na nagluwal sa atin sa mundong ibabaw ay hindi matutumbasan ng anumang halaga.

Magmula nga sa kanilang hirap at sakripisyo sa pagkalinga at pagpapalaki sa kanilang mga anak, ay wala silang hinihiling na kapalit, kundi ang mahalin rin sila ng kanilang mga anak. Kaya naman, ang aktres na si Dina Bonnevie ay sadyang napakapalad dahil mahal na mahal siya ng kanyang mga anak.

Photo credits: dinabonnevie | Instagram

Sa pagsapit nga ng ika-61 taong kaarawan ni Dina nito lamang Enero 27, ay nakatanggap siya ng nakakaantig at puno ng pagmamahal na pagbati mula sa kanyang anak na si Danica Sotto-Pingris, na anak niya sa dating asawa na si Vic Sotto.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Danica ang larawan kung saan kasama niya ang kanyang ina at kapatid niyang si Oyo Sotto. Sa caption naman ng kanyang post ay nagpasalamat si Danica sa Diyos dahil pinagkalooban sila ng isang ina bukod sa brave and strong woman, ay napakaganda rin. Ayon pa nga kay Danica, ay still fab at 60 ang kanyang mommy.

“I thank the Lord for giving us a strong, brave and beautiful Mama like you. Happy Birthday Ma! We love you so much! dinabonnevie #stillfabat60”.

Samantala, sa kanyang Instagram account ay ipinaabot rin ni Dina ang kanyang pasasalamat sa mga taong nagbigay ng regalo at nagpaabot ng pagbati sa kanyang espesyal na araw.

“Just want to thank everyone who dropped a line to greet me on my birthday, and to all of you who made an effort to send me flowers and gifts too, despite this pandemic.”

Hindi naman talaga maikakaila na kahit kabilang na nga sa samahan ng senior ang aktres na si Dina ay napakaganda parin nito. Makikita rin sa social media ng aktres ang mga larawan na nagpapatunay ng kanyang angking kagandahan. Sa edad na 61, ay talagang napangalagaang mabuti ni Dina ang kanyang katawan, at magandang mukha.

Photo credits: dinabonnevie | Instagram

Si Geraldine Schaer Bonnevie-Savellano o mas kilala sa kanyang pangalan na Dina Bonnevie ay isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz. Dekada 80 pa lamang ay pinatunayan na ni Dina ang kanyang angking husay sa pag-arte.

Naging makulay rin ang buhay pag-ibig ni Dina kung saan nga ay ikinasal siya sa TV host at komedyanteng si Vic Sotto at ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng dalawang anak, sina Danica Sotto at Oyo Sotto. Matapos nilang maghiwalay ni Vic, ay ikinasal naman si Dina kay Ricardo Penson noong 1996 ngunit nauwi sa hiwalayan noong 2004. Muli namang umibig si Dina sa katauhan ng kanyang asawa ngayong si Deogracias Victor Savellano.

error: Content is protected !!