Connect with us

Entertainment

Sa Edad na 53, Aktres na Si Alice Dixson Kahanga-hanga Pa Rin ang Walang Kupas na Kagandahan at Kaseksikan

Ang batikang aktres na si Alice Dixson ay isa mga hinahangaan ng marami, hindi lang dahil sa kanyang pagiging isang mahusay na modelo at artista, kundi dahil na din sa kanyang angking kagandahan at kaseksihan lalo na kung kanyang kabataan.

Halos ilang dekada nadin ang lumipas mula ng mag-umpisa si Alice sa mundo ng showbiz, at ngayon nga siya ay nasa 53-taong gulang na. Sa kabila naman ng kanyang edad, ay patuloy pa din namang pinapahanga ni Alice ang marami sa atin, tila kasi kahit na ilang dekada na ang lumipas sa kanyang kabataan, ay parang hindi siya tumatanda. Makiita sa mga larawan na ibinahagi ng aktres, ang kanyang walang kupas na kagandahan at kasekihan na talagang nagpahanga sa marami.

Sa pinaka-bagong post ni Alice sa kanyang Instagram ay muli niyang pinatunayan na ‘age is just a number’, ito ay matapos niyang ibandera ang kanyang napakaseksi pa ding pangangatawan sa suot niyang bikini habang siya ay nag-e-enjoy sa beach.

Minsan ng ibinahagi ng aktres sa mga naging panayam sa kanya ang pagkahumaling niya sa mga beach at ang tamang pagdidisiplina niya sa kanyang sarili para mamaintain ang kanyang kahanga-hangang kaseksihan.

Matatandaan naman na sa mga naunang post noon ni Alice ay ibinahagi niya na isa sa mga sikreto niya sa pagkakaroon ng mukhang batang hitsura ay ang tamang pag-aalaga sa kanyang balat, at ang pag-iwas na labis na mainitan ng matinding sikat ng araw.

“On one of my recent travels, a foreigner asked my why Filipinas look so young. I tried to give her my best answer. I said, ‘In my opinion most women in my country take good care of their skin, from supplements to skin whitening and staying out of the sun.’ Before I used to stay in direct sunlight without SPF protection. I’d get freckles and sun skin damage na lagi ako pinapagalitan ni Dra. Vicki until she got tired 😂”, ani Alice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Dagdag pa niya, noon umano ay madalas siyang napapagalitan ng kanyang derma doctor na si Dra. Vicki Belo, dahil sa madalas niyang pagbilad sa araw na nagdudulot sa kanya ng skin damage. Hanggang sa huli umano ay napagtanto din niya na tama ito sa mga advice nito sa kanya pagdating sa tamang pag-alaga sa kanyang balat.

“Eventually I realized na tama sya especially when she showed a side by side comparison of a monk vs Native American Indian skin na same age. (I’ll try to find it and repost) Anyways… wear your hats, sunscreen and avoid the sun between 11-1 peeps. That’s my 2 centavos ☺️❤️”

Samantala sa pinaka-latest bikini photo ni Alice ay ibinahagi niya na ang beach ay isa sa mga itinuturing niyang ‘happy place.’

Sa kasalukuyan ay kinakarir ni Alice ang kanyang pagiging isang ina sa kanyang mga anak. Matatandaan na noong nakaraang taon ng umuwi sa Pinas ang aktres mula sa bansang Amerika ay ipinakilala niya sa publiko ang kanyang new baby girl na si Aura. Nito lamang namang unang buwan ng kasalukuyang taon ng isapubliko ni Alice ang tungkol sa panganay niyang anak na si Shasha na ang ama umano ay ang dati niyang partner.

error: Content is protected !!